Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2013

G-Em-C-D ♪♫♪

:   Madalas na nagiging komplikado ang mga bagay s a paligid natin, di dahil mahirap itong gawin.. kundi dahil tinitingnan natin ito sa pinaka-komplikadong paraan… Ibibigay kong halimbawa yung sarili ko, (para safe, ako nalang example) ^_^   *Gustong – gusto kong matuto mag gitara,  Ngunit sa tuwing titingnan ko yung bawat “strum” tsaka yung pagpapalit palit ng “chords” matinding pagkayamot ang nararamdaman ko… “ ANG HIRAP NAMAN NYAN !!!”    (brrrrrrrrrr………..) T_T mabilis umaakyat ang BP ko at nadadagdagan yung “ AYOKO NA SYNDROME ”… Ngunit sa kabila ng “maikling pasensya” “wala sa tonong kamay” at “kawalan ng tiwala sa sarili” na magagawa ko yun, Pinipilit ko pading pag aralan at matuto… (hew!) At kahit na mag kanda sugat sugat man ang daliri ko pagkalipas ng dalawang oras makuha lang ang pinaka saktong tono nito…      Di nga talaga ganun kadali…  pero KAKAYANIN!... ^_^ (aja!) At malaki ang pos

(Laughter) Salt-water: Cure for any pain ♥

Bata palang ako, napaniwala nako ng mundo na ang pagtawa ang syang gamot sa sakit na nararamdaman ng tao, ngunit higit kong napatunayan habang lumalaki ako, na ang “tubig – alat” pala ay nagpapawi ng higit na kalungkutan sa puso ninuman… Luha --- kapag sobrang saya o kaya e sobrang bigat ng pakiramdam mo, ang pagdaloy ng tubig – alat na yon mula sa mga mata mo ang nagsilbing pakahulugan ng halo – halong emosyon. T_T)   Pawis --- mula sa ilang kilometrong paglalakbay ng mga paa mo na walang tiyak na direksyon… puso mo lang yung nakakaalam ng iyong destinasyon… Dagat --- ilang balde kaya yun kung susumahin?! Napapalibutan tayo ng tubig-alat, na nagsisilbing pamawi sa pusong naghahanap ng katahimikan sa kabila ng maingay na mundo… nakakakalmang tingnan ang paghalik ng araw sa dagat-- ♥   #SummerHurryUP