Bata palang ako, napaniwala
nako ng mundo na ang pagtawa ang syang gamot sa sakit na nararamdaman ng tao,
ngunit higit kong napatunayan habang lumalaki ako, na ang “tubig – alat” pala
ay nagpapawi ng higit na kalungkutan sa puso ninuman…
Luha --- kapag sobrang saya o kaya e sobrang bigat ng pakiramdam mo, ang pagdaloy ng tubig – alat na yon mula sa mga mata mo ang nagsilbing
pakahulugan ng halo – halong emosyon. T_T)
Pawis --- mula sa ilang kilometrong paglalakbay ng mga paa mo na
walang tiyak na direksyon… puso mo lang yung nakakaalam ng iyong destinasyon…
Dagat--- ilang balde kaya yun kung susumahin?! Napapalibutan tayo
ng tubig-alat, na nagsisilbing pamawi sa pusong naghahanap ng katahimikan sa
kabila ng maingay na mundo… nakakakalmang tingnan ang paghalik ng araw sa
dagat--♥
#SummerHurryUP
Comments