Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2013

I WON'T give up (even if there's no more stars in the sky)♥

May 15, 2013 @11:05am Nagtatago lang naman talaga ako ng emosyon,  Mababaw na emosyong kelangan pag isipan ng malalim  at sa tingin ko, di narin naman kelangan pang malaman ng buong sambayanan… sapat nang maibahagi ko na lamang sa pamamagitan ng isang sakong salita,  blankong mensahe o maging sa isang kalunos lunos na larawan…  (sigh) Nakakatakot gumawa ng panibagong hakbang, maari kasing:  hakbang na iyon papalayo at maaaring hakbang na iyon papalapit  sa kung sino man ang makakasabay ko sa mga susunod pang kabanata ng buhay ko… (whew) Andaming “mga di inaasahang tagpo” nararamdaman ng pangunahing bida sa kwento,  ang pagkayamot at biglaang pagkadisgana sa pagbuklat ng susunod ng pahina… (brrrr) May mga bagay nga talaga siguro na kapag hindi para sayo, KELANGAN mo pading ANTAYIN kung talagang para sayo… (may konting pag – asa pading natitira yung tono) Kanta kanta na lang nga din pag may time…  tsk. Tsk. ♪♫♪When yo...

I've searched for You♥

Madami nang nagsisipagtalunang tala sa kalangitan, Tumubo na ulit ang mga nahulog kong pilik mata, Dalawampu’t dalawang kandila na yung nahipan nung aking kaarawan, At halos makalbo nadin ng tuluyan ang mga  bulaklak sa may tarangkahan… sa maraming beses na hiniling kita… Pero alam kong andyan ka lang, Nararamdaman ko, sinisigaw ng puso ko… Nagkasabay na kaya tayong maglakad o kaya naman ay tumawa? Anu kaya yung hugis ng yong mga mata? Hanggang ngayon eh wala parin akong ideya… Medyo malayo pa ata ang lalakarin ko, Bago tayo tuluyang matagpo… Sa bawat hakbang… Sa bawat pagtibok ng puso… Alam kong inilalapit ka sakin ng mundo… KAYA IPAGDARASAL KITA HABANG NAG AANTAY AKO… Dahil ang bawat segundo ay magiging makabuluhan kapag nagkita na tayo, Iiwan ko na sa tunay na may akda ng ating nobela ang panulat, Upang sya na ang magdikta ng mga susunod na kabanata.