Skip to main content

I've searched for You♥






Madami nang nagsisipagtalunang tala sa kalangitan,
Tumubo na ulit ang mga nahulog kong pilik mata,
Dalawampu’t dalawang kandila na yung nahipan nung aking kaarawan,
At halos makalbo nadin ng tuluyan ang mga  bulaklak sa may tarangkahan…
sa maraming beses na hiniling kita…

Pero alam kong andyan ka lang, Nararamdaman ko, sinisigaw ng puso ko…
Nagkasabay na kaya tayong maglakad o kaya naman ay tumawa?
Anu kaya yung hugis ng yong mga mata?
Hanggang ngayon eh wala parin akong ideya…

Medyo malayo pa ata ang lalakarin ko,
Bago tayo tuluyang matagpo…
Sa bawat hakbang… Sa bawat pagtibok ng puso…
Alam kong inilalapit ka sakin ng mundo…

KAYA IPAGDARASAL KITA HABANG NAG AANTAY AKO…
Dahil ang bawat segundo ay magiging makabuluhan kapag nagkita na tayo,
Iiwan ko na sa tunay na may akda ng ating nobela ang panulat,
Upang sya na ang magdikta ng mga susunod na kabanata.







Comments

♥isang araw sa future (kasama ang GG mo), magbabalik-tanaw ka at makikita ang post na ito..ipapabasa mo sa kanya at sasabihing "uy, ginawa ko yan para sayo nung mga panahong di pa kita kilala"
awww, ang sweet!
waaaa...parang ako lang din!

ang saraap isipin minsan kung nasan na nga ba sya at anu ginagawa nya. (gumawa din ako dati ng kaisa-isahang sulat para sa magiging GG ko!) Apir!!!! hehe
Unknown said…
waaaaaaaaaaaaaaaaah!!! ^_^ gusto ko yun! nakadagdag naman ng eksaytment yun! haha :XD

Popular posts from this blog

Para kanino nga ba ako?

Para kanino nga ba ako? Para kanino ako nabubuhay? Madaming beses ko na iyong naitanong sa sarili ko, Pero di ko matagpuan yung sagot… Hanggang sa isang araw, Sa paghahanap ng kasagutan, Dun ko naramdaman yung rason ko, Kung bakit ako inilagay sa mundo, Bakit nga ba hindi ako sa ibang panahon at lugar ipinanganak? Magulo kung iisipin mo pa diba? Pero bawat isa sa atin ay may mahalagang papel sa mundo, Maliit man o malaki, Andyan ka, kasi ikaw lang ang makakagawa nun, Wala ng iba… Kaya buong puso kong sasabihin na: Andito ako ngayun sa lugar kung saan, Perpektong plinano ng diyos   ang bawat detalye ng buhay ko J

Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…

tarah kape tayo?  Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…     mas mabuti narin siguro yun kesa sa marijuana o sa shabu ako na- adik. Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…  sisihin nyo yung nakaimbento na pwede palang lantakan ang kape at di sa ibang bagay nagiging kapakipakinabang. Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape… tuwang – tuwa naman yung pinag bibilhan ko ng kape, mantakin mung tatlong beses o mahigit pang baso ng kape ang naiinum ko araw – araw. Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape… ♪♫♪ “nais kung mag beer house ngunit kulang ang pera, kaya’t nagkakape nalang dagdag pa sa kaba...... " ♪♫♪ yka nga ng siakol, “substitute products” – sabi ng microeconomics prof. namen, kapag mas mababa daw ang presyo ng “substitute products” kupara sa aktwal na produktong nais mung bilhin, bababa ang “demand” sa aktwal na produkto at tataas naman ang “demand” para sa “substitute products...

Pwerte naman!!!

Pwerte an lipot. Dawa biyu an pagsuksuk mu sa gilid,  alagad patus – patus ka  nin tamung, habang inuubos mu an tinimplang kape sa saimung  baso, an saimung hinangus putol – putol na nagluluwas asin an durus dae nag babago, naluluum ka sa kadikluman,kawsa kan kawaran kan ilaw, pinipirit mu man itikup an saimung malsuk, an saimung tulak man an biyung nagriribuk,nag aagrangay sa kulog. Mala kaya ta an saindung sinapna abut lang Pangudtuhan,  kaya kape na sana an Saindung pinamangihan… Kape na harus pa sana, asukar na sana an lasa. An mga bura kan talapang,nagdararalagan na kinu sa atup, yaun pa an mga lamok na mayong ibang maginibu kundi mangagat sa saimung kublit. Abu ka lamang untukan.  Mala… Namuklat ka man guiraray… Aga na palan,  dae mo na namalayan Na napaturug ka man palan dawa, Nagbuburura si mga talapang, Nagdadaralagan si mga kinu sa saindung atup, Alagad si mga lamuk na dae ka inuntukan, Na nagkawsa ...