Namimilipit
ka pa sa lamig,
Dulot
ng hamog ng umaga,
Medyo
mabigat ang ulo,
Lumilipad
pa ang utak sa kinagabihang gimik,
Pero
kelangan nang bumangon para sa panibagong hamon ng buhay…
Pangatlong
beses mo nang pinatay ang alarm,
Pero
patuloy ka paring nakalugmok sa higaan at
Wala
ka pa sa ulirat…
Matapos
mong pindutin ang snooze button,
Hindi
lang ang oras nang pag-gising mo ang pinili mong sirain
Kundi
ang buong araw mo…
Tulad
ng pagtawag sa atin ng Panginoon,
Marahil
ay makailang beses ka narin niyang tinawag
Pero
ito ang lagi mong sagot sa kanya:
“Mamaya
na”
“Kapag
may sapat nakong oras”
“Kapag
mayaman nako”
“Kapag
binigay mo na yung hinihingi ko”
Madami
tayong kundisyon…
Palagi
nating pinipindot ang “Snooze Button” ng buhay natin…
Ilang
beses ko nadin tong nagawa,
At
Ilang beses ko nading napatunayang:
“Hindi
ang oras na plinano natin,
kundi
ang itinakdang oras ng Panginoon,
ang
pinaka-perpektong pagkakataon”
J marahil mahirap simulan, pero isang hamon
ang aking iiwan:
subukan mong sirain ang “snooze
button” ng buhay mo, at dumipende sa KANYANG plano ^^
Comments