Skip to main content

Blessed





Minsan mahirap para sa aking intindihin
kung anu man ang mga nangyayari sa buhay ko,
Minsan mararamdaman kong madilim ang paligid,
At tanging ang maliit na daanan ang nababanaag ko,
Hindi ko Makita ang kabuuang bahagi ng madilim na parte ng buhay,
Hindi ko lubusang maintindihan ang pamamaraan ng Panginoon,
At minsan pa’y darating ako sa punto ng buhay,
kung saan mararamdaman kong,
Taliwas sa lahat ng plano ko ang nangyayari sa buhay ko,
Isang malaking Hamon
para sa aking pananalig at pagtitiwala sa KANYA…

Magkaganun man, isang bagay lang ang pumukaw sa akin,  
Na ang bawat detalye ng buhay ko,
malaki man o maliit ay perpektong plinano  ng Panginoon,
Hindi siya kailan man nahuli o nauna,
saktong sakto ang bawat hakbang ng paa ko,
At ang bawat pintig ng aking puso,
Ang bawat tawa
at pagbuhos ng luha,  
kailangan ko lang buksan ang aking puso,
para lubusan kong Makita ang mga biyayang ibinibigay NIYA… ^____^ 

#Blessed@RECON-BIKOL2012
@Sabang Park, Bulan, Sorsogon

credits to: Ms. Gigi Nueva (Photo) 





Comments

Nice! Blessed na blessed tayong lahat!
Unknown said…
hehehe. oo nga kapatid! ^^ amen

Popular posts from this blog

Daily Prompt: Just Keep Swimming

They (my sister and my niece) were watching  “Finding Nemo” last Sunday,  and that moment I was plucking my guitar,  I was about to get my capo when I heard clearly what Dory says (the blue fish)  “Just keep on swimming, just keep on swimming” Oh! That’s it! (Seems like God use Dory to remind me this)   When things seem to be impossible to do,  “Just keep on swimming, just keep on swimming” When you feel tired  “Just keep on swimming, just keep on swimming” When in doubt  “Just keep on swimming, just keep on swimming” Because when life gets you down, that's what you've got to do… “Just keep on swimming, just keep on swimming” Not literally but to "Move Forward in Faith" ^_^ #Amen #TYL #ThanksDory #EnduringHeart #FearlessFaith  #71of365 

MV Weekend

Iba – iba man yung rason kung bakit kami napunta Sa iisang lugar na ito, isa lang yug nagbubuklod samin: yeah!!! -- with my brod and sis from the top!  “DAHIL HINAYAAN NAMING, DALHIN KAMI DITO NG PANGINOON” mga kapwa ko misyonaryo Nag uumapaw yung pagmamahal sa aming mga puso, At ang kagalakan sa mahigit isandaang Brothers and Sisters all over Luzon Na sumagot sa tawag ng panginoon… Nawa’y di lang tumigil dito ng misyon natin sa panginoon, Kundi sa araw araw ay gawin nating isang hamon iyon, Sa bawat isa sa atin, ang maibahagi sa iba at maipadama Ang Pagmamahal ng panginoon sa mga kaklase, katrabaho, Kaibigan at higit sa lahat sa ating PAMILYA… #MV Weekend + Quezon Province Adventure!  God is really a Good artist! see How he paints the Sunset perfectly!

#Kabanata015

Eksena sa Daan: Pangunahing tauhan: Babae at Lalaki , magkasabay sa paghakbang ng paa, walang imik at tila ba naghahabol ng hininga. (babae) medyo katamtaman ang taas, mahaba ang buhok, may dalang libro at di maipaliwanag ang mukha. (lalaki) mas mataas sa babae, katamtaman ang laki ng katawan at may bitbit na gitara. Iba pang detalye: papalubog na ang araw at tila ba, naiiyak na ang kalangitan. Lokasyon: mataong lugar, lahat ay walang pakialam sa isa’t – isa. Pandagdag: may isang batang haharang sa babae at lalaki, magbebenta ng paninda niya sa bilao. (hindi ito papansinin ng dalawa, patuloy sa paglalakad at tila ba’y may sasabog na emosyon pagkalipas ng ilang minuto) Action: “ANUH BA?!!!!!” (at eto na nga ang inaabangang eksena ng mga tsismosa) (uulitin ng babae ang pagsigaw at uunahan sa paglakad ang lalaki) (maghahabol din ang batang may bilao) (at ang kalangitan ay nag ngingitngit nang maibuhos ang damdamin) Kulog sabay buhos ng malakas na...