Oras: dalawampung minuto makalipas ang alas nuebe ng umaga Lokasyon: dito sa opisina Sitwasyon: maganda ang sikat ng araw, medyo late akong pumasok kumpara sa inaasahan kong oras na makakatuntong ako ng opisina. ^_^.v (engk!) ~Araw ng martes, may tatlong araw pa, bago dumating ang “day-off”. Pero san nga ba natin kadalasang ginagamit yung araw na yun? Natanong ko din ang sarili ko isang beses, kadalasan (pahinga --- lugmok sa bahay, halos kalahating araw kung matulog at para bang wala ng bukas, gimik kung saan saan, na parang nakawala sa kulungan --- NAKAKAGUILTY) kaakibat na nga siguro at nakasanayan ng gawin natin bilang tao. Pero sa kabila ng limang araw na pagtatrabaho, abot- tanaw lagi ako sa dalawang araw na iyon (na gawing makabuluhan, gawing kapaki pakinabang at makagawa ng ikauunlad ng aking moralidad at pagkatao) At isang rason narin siguro ang pagsisilbi sa komunidad kung san naging ganap ang pagkakakilala ko sa KANYA, na patuloy na ta...