Oras: dalawampung minuto makalipas ang alas nuebe ng umaga
Lokasyon: dito sa opisina
Sitwasyon: maganda ang sikat ng araw, medyo late
akong pumasok kumpara sa inaasahan kong oras na makakatuntong ako ng opisina.
^_^.v (engk!)
~Araw ng martes,
may tatlong araw pa, bago dumating ang “day-off”.
Pero san nga ba
natin kadalasang ginagamit yung araw na yun? Natanong ko din ang sarili ko
isang beses, kadalasan (pahinga --- lugmok sa bahay, halos kalahating araw kung
matulog at para bang wala ng bukas, gimik kung saan saan, na parang nakawala sa
kulungan --- NAKAKAGUILTY) kaakibat na nga siguro at nakasanayan ng gawin natin
bilang tao.
Pero sa kabila ng
limang araw na pagtatrabaho, abot- tanaw lagi ako sa dalawang araw na iyon (na
gawing makabuluhan, gawing kapaki pakinabang at makagawa ng ikauunlad ng aking
moralidad at pagkatao) At isang rason narin siguro ang pagsisilbi sa komunidad
kung san naging ganap ang pagkakakilala ko sa KANYA, na patuloy na tanawin at
antayin ng may galak sa puso ang bawat “day-off” na darating.
“The
sabbath was made for man, not man for the sabbath.”
Hango
sa daily reflection na nabasa ko kanina lang, (napabuntong hininga ako)
Oo
nga pala’t sa kabila ng walang kapagurang ginagawa ng Panginoon, di nya
kailanman kinakalimutan ang misyon Nya kung bakit sya dumating sa mundo.
Ang
Pagmamahal Nya satin ay walang pahinga, walang “day-off”
Di
alintana ang makailang ulit tayong magkasala at gumawa ng mga bagay na
magpapalayo satin sa Kanya. Patuloy niya tayong aakayin hanggang sa dulo ng
paglalakbay natin sa mundo. ^_^.v
Comments