Balik
na naman sa normal na sirkulasyon…
Balik
trabaho…
Balik
sa sulok ng opisina,
(na-miss
siguro ako ng “computer” at upuan ko… )
Bitbit
ang aking paa, hanap ako ng bagong printer,
(nag
retire na yung printer na nakasama ko dito sa opisina ng mahigit dalawang
taon.)
(sarado
pa yung 2nd floor)
kaya
antay antay muna sa baba… masid masid…
(antok!
Parang ang sarap mag inject ng kape sa katawan… tsk)
~tingin
sa sahig… ang aga-aga pa, pero madami
nang tao sa mall, may nakikidaan lang, nakikiusyoso at ang ibang meron talagang
pakay bilhin, mula sa pamaskong nakolekta nila.
~Kung
san-san nababaling ang atensyon ko… hanggang napagtuunan ko ang mga nakasulat sa
t-shirt ng mga taong dumaraan
“Life
is a JOURNEY”
“Our
Goal is to STOP yours”
“Matalino
Noon, lalo na Ngayon”
“FUBU”
“MNG”
“soar
HIGH”
(hay….
Tagal…. d-_-b ) tik.. tak.. tik.. tak…
(brrrr…..
tumutunog na tyan ko)
tambay
muna sa isang sulok sabay higop ng kape (_)3…
~may
isang bata sa sulok, kasama yung mama niya, pilit niyang inaakyat ang
barandilya… pangarap niya sigurong maging si catwoman pag laki.
(ayun!
Muntik ng pumuti ang mata ko sa pag aantay…. Salamat naman at unti unti nang
umandar ang escalator, hudyat na bukas na yung tindahang bibilhan ko ng pakay
kong printer)
tsk…
kung san san na naman naglakbay ang utak ko
(pinabili
lang naman ako ng printer)
pero
nakakatuwa lang talagang isipin na kahit sa pinakamaliit na detalye eh
kumukonekta ang buhay ng bawat tao sa mundo…
Na
di lang usok at busina ng sasakyan ang masasagap mo sa kalsada,
Na
di lang iikot sa apat na kanto ang buhay…
Ang
bawat hakbang at bawat kurap ng mata,
kalkulado
at saktong sakto ang bawat bilang…
At
sa kabila ng mga simpleng bagay,
maari
kang makalikha ng iba’t – ibang
interpretasyon.
Ang
sarap maging tao noh?
Ang
sarap namnamin ang biyayang ibinigay ng Panginoon…
#Maligayang
Bagong Taon sa lahat! ( `_~ )
-bikolanaparasuratlakwatsera-
Comments