Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2013

I AM a Witness!

Wala ngang imposible hangga’t kasama natin ang Panginoon at hinahayaan nating imaneho Niya ang buhay natin, higit pa sa ating inaakala atsa kayang abutin ng ating imahinasyon ang maaaring maranasan natin kapag kasama natin Sya. Higit na nakapagtalon ng puso ko ang misang idinaos na pinagunahan ni  Arch.  Luis Antonio G.   Cardinal Tagle,  ang sarap sa pakiramdam ng mabigyan ng bendisyon ng isa sa mga hinahangaan mo. “Ang gusto ko lang naman ay maglingkod sa maliit na bayan ng Tarnate (Cavite) pero kung san-san na napunta ang buhay ko” – isang pagbabahagi niya sa isang interview (naalala ko).   Re-united ^_♥ with sis karla de villa  Side trip! (with kuya jess and B2) ^_^  SFC Camarines Sur The Abengers (apple -- Mika---Ate jelai--Panie)   Kain na muna! tama na ang picture! :'(   Sing bilis ng metro ng taxi ang bawat pagkakataon, kaya marapat lang na gugugulin mo ito ng may galak, walang paghihinayang at may naguumapaw na pagmamahal kasama

Kawawang Pebrero!

Kawawang pebrero!  laging nasisisi tuwing may usapang puso,  problema sa puso,  karambola sa puso,  kalahating puso  at kung anu-ano pang mga hinaing na nililika ng tao maiugnay lang sa pebrero,  “Di lang naman Pebrero ang buwan ng pagmamahal. Dapat yan araw-araw, minu-minuto, segu-segundo ginagawa” komento ng isang kaibigan…  (naku! Ganun TAYO! Kelangan pinukpok lagi para ipaalala na bawas-bawasan ang pag-eemow)  Pero di narin nga siguro maiiwasan eh!  T ulad ng paparating na pasko,  kung san nauuso ang “malamig-na-pasko-syndrome”  nagkakaron din ng “single-me-on-valentines-day-syndrome” tuwing pebrero,  kaya marapat lang na paigtingin ang  “OPLAN-Pebrero”   at hikayatin ang bawat isa sa pagbabantay sa mga taong maaring ma-overdose sa kasiyahan, kapag nakatanggap ng isang sakong bulaklak at isang baldeng tsokolate,  At higit sa lahat doblehin ang seguridad ng mga single!  Kasi alam mo na! (hahaha)   ^_^.v   #Singlepadin #HappyHeart