Kawawang
pebrero!
laging nasisisi tuwing may usapang puso,
problema sa puso,
karambola
sa puso,
kalahating puso
at kung anu-ano pang mga hinaing na nililika ng tao
maiugnay lang sa pebrero,
“Di lang naman Pebrero ang buwan ng pagmamahal. Dapat
yan araw-araw, minu-minuto, segu-segundo ginagawa” komento ng isang kaibigan…
(naku! Ganun TAYO! Kelangan pinukpok lagi para ipaalala na bawas-bawasan ang
pag-eemow)
Pero di narin nga siguro maiiwasan eh!
Tulad ng paparating na pasko,
kung san nauuso ang “malamig-na-pasko-syndrome”
nagkakaron din ng
“single-me-on-valentines-day-syndrome” tuwing pebrero,
kaya marapat lang na
paigtingin ang “OPLAN-Pebrero”
at
hikayatin ang bawat isa sa pagbabantay sa mga taong maaring ma-overdose sa
kasiyahan, kapag nakatanggap ng isang sakong bulaklak at isang baldeng
tsokolate,
At higit sa lahat doblehin ang seguridad ng mga single!
Kasi alam mo
na! (hahaha) ^_^.v
#Singlepadin #HappyHeart
Comments