Wala
ngang imposible hangga’t kasama natin ang Panginoon at hinahayaan nating
imaneho Niya ang buhay natin,
higit pa
sa ating inaakala atsa kayang abutin ng ating imahinasyon ang maaaring
maranasan natin kapag kasama natin Sya.
Re-united ^_♥ with sis karla de villa |
Side trip! (with kuya jess and B2) ^_^ |
SFC Camarines Sur |
The Abengers (apple -- Mika---Ate jelai--Panie) |
Kain na muna! tama na ang picture! :'( |
Naguumapaw
sa galak at tuwa ang aking puso, habang sabay- sabay naming nararanasan ang
pag- akap ng Panginoon sa aming mga puso, ang paggawa ng kasaysayan na
mananatiling napakasayang alaala sa bawat isa samin…
Ang bawat
pagsabay sa indak ng musika habang tinutunaw kami sa Pagmamahal ng Panginoon.
Masasabi kong, isa ako sa higit sa walong libong maswerteng anak ng Panginoon
na naging saksi sa pambihirang Pagkakataong iyon! Di alintana ang mabigat na
bagahe, pisikal man o sa puso, ang alam ko lang ng gabing yun, ayaw kong
bumitaw sa Pagkakaakap ko sa aking Ama. Higit pa sa gamot na lunas sa bawat
sugat na hatid ng Pagkakataon at ng mga maling desisyon, ang ganung eksena at
tanging ang luhang dumadaloy sa aking mga mata ang nagpapaliwanag ng Kagalakan
at isandaang porsyentong pagmamahal sa aking Ama.
Ang makasalubong at makapag pa-picture kay Tito Kirby Llaban, ang tao
sa likod ng madaming kantang nakakapagpapalundag ng puso ko at nagiging dahilan
ng paglalim ng Pagmamahal ko sa aking Ama. # God is enough for me
Ang kakaibang karanasan, kasama ang mga kaibigan at pamilyang bigay ng Panginoon… ang SAYA!!!...
Breafy (Breakfast + Sleepy) @KFC - Harrison St.
Kanya – kanyang kwento at pagbabahagi ng mga
karanasan buhat sa ICON 2013. kanya – kanyang sibat pabalik sa pinagmulan,
ngunit ang karanasan ay maiiwan sa lugar na iyon, kung saan, sabay – sabay
naming nasaksihan ang Pagmamahal ng Panginoon.
At Higit sa lahat ang bukod tangi naming idolo, Ang Panginoon, higit pa sa kahit anung karanasan ang Pagkakataong yun! Higit pa sa kahit anung konsyerto o pagtitipon.
"Salamat Tripolds sa ligtas na byahe" baon ko ang motto nio "Bawal ang nagmamadali" (di ko nga lang nakunan ng picture)
Sa haba ng byaheng dinanas at sa mga si inaasahang aberya, sa huli’y Nangyari padin yun ayon sa Plano ng Panginoon at ang pagtitiwalang nakatanim sa aking puso ang nagsilbing baon ko sa isa na namang makabuluhang paglalakbay kasama ang aking Ama at ang aking mga kapatid sa bawat sulok ng mundo.
|
I am Apple Camba --- And I AM a WITNESS!
#SFCICON2013 #obeyandwitness #Godisenough
|
Comments