Madami nang
nagsisipagtalunang tala sa kalangitan,
Tumubo na ulit ang mga nahulog
kong pilik mata,
Dalawampu’t dalawang
kandila na yung nahipan nung aking kaarawan,
At halos makalbo nadin
ng tuluyan ang mga bulaklak sa may
tarangkahan…
sa maraming beses na
hiniling kita…
Pero alam kong andyan
ka lang, Nararamdaman ko, sinisigaw ng puso ko…
Nagkasabay na kaya
tayong maglakad o kaya naman ay tumawa?
Anu kaya yung hugis ng
yong mga mata?
Hanggang ngayon eh wala
parin akong ideya…
Medyo malayo pa ata ang
lalakarin ko,
Bago tayo tuluyang
matagpo…
Sa bawat hakbang… Sa
bawat pagtibok ng puso…
Alam kong inilalapit ka
sakin ng mundo…
KAYA IPAGDARASAL KITA
HABANG NAG AANTAY AKO…
Dahil ang bawat segundo
ay magiging makabuluhan kapag nagkita na tayo,
Iiwan ko na sa tunay na
may akda ng ating nobela ang panulat,
Upang sya na ang magdikta
ng mga susunod na kabanata.
Comments
awww, ang sweet!
waaaa...parang ako lang din!
ang saraap isipin minsan kung nasan na nga ba sya at anu ginagawa nya. (gumawa din ako dati ng kaisa-isahang sulat para sa magiging GG ko!) Apir!!!! hehe