Mag iisang taon nadin pala… nung minsang ang mumunting tinig sa puso ko ay unti unting pinag alab ng nagdaang panahon, nung minsang ang hilaw na santol na nakabitin ay unti unting naging dilaw at nahinog na mula sa pagkakakabit nito… nakakatuwang isipin na may mga nagpasyang humakbang na papalapit, may mga nahanap ang kasagutan sa pagpunta nila sa lugar na iyon at may mga patuloy pading nakikipagbuno sa katanungang patuloy na gumugulo sa kanilang puso. Sa makailang ulit na baku-bakong daan, sapat na ang pagpapasyang ipagpatuloy ang paglalakbay na ito…
Panuntunang pinanghahawakan ko mula noon hanggang ngayon:
No reserves. ♪♫♪ And I give my All… take me as I am… I am Yours’ Oh God…
No retreats. ♪♫♪ God in Your grace now, Oh I will do the same, To be as Fearless,
To STAND and to PROCLAIM...
To STAND and to PROCLAIM...
No regrets. ♪♫♪ When all else fails… I’ll still choose to Love You Lord…
Handang handa padin po ang puso ko sa anumang hamon!♥
Written: May 16, 2013
Comments