Skip to main content

#Kabanata015




Eksena sa Daan:

Pangunahing tauhan: Babae at Lalaki,magkasabay sa paghakbang ng paa, walang imik at tila ba naghahabol ng hininga. (babae) medyo katamtaman ang taas, mahaba ang buhok, may dalang libro at di maipaliwanag ang mukha. (lalaki) mas mataas sa babae, katamtaman ang laki ng katawan at may bitbit na gitara.

Iba pang detalye: papalubog na ang araw at tila ba, naiiyak na ang kalangitan.

Lokasyon: mataong lugar, lahat ay walang pakialam sa isa’t – isa.

Pandagdag: may isang batang haharang sa babae at lalaki, magbebenta ng paninda niya sa bilao. (hindi ito papansinin ng dalawa, patuloy sa paglalakad at tila ba’y may sasabog na emosyon pagkalipas ng ilang minuto)

Action: “ANUH BA?!!!!!”
(at eto na nga ang inaabangang eksena ng mga tsismosa)

(uulitin ng babae ang pagsigaw at uunahan sa paglakad ang lalaki)
(maghahabol din ang batang may bilao)
(at ang kalangitan ay nag ngingitngit nang maibuhos ang damdamin)

Kulog sabay buhos ng malakas na ulan…

Lumuhod yung lalaki…
(tinginan ang mga taong dating walang pakialam)
(sisingit ang batang may bilao)

“Sige napo! Sampung piso lang ang balot”

Ibinuhol ng lalaki ang sintas ng babae at niyakap ito…

(patuloy parin ang pagbuhos ng ulan)
(buntong hininga ang lahat ng mga audience)

“akala ko pa naman magpo-propose na”
narinig kong sabi nung tindera ng DVD.


Comments

ICE said…
magayon. ika na ang may labstori
Unknown said…
nakakakilig ngani! haha :XD dae ko namati si uran, kakaabang sa mga susunod na eksena :D hanggang sa waaaaaaaaaaaah.... hahaha :D naara ako!
Unknown said…
hahaha :D sundan ang susunod na kabanata :P