Araw ngayon ng pagtatapos, madaming na namang magsisitalunang diploma! batid ko lamang alalahanin ang pagtatapos din ng paglalakbay ng isang makabuluhang CLP nung isang taon! :) Salamat Panginoon, Sa mumunting mensaheng dumating, Sa mga taong nagbahaging kanilang oras, kakayahan at talento, Sa mga taong ginawa mong instrumento, upang maibahagi sa iba ang iyong pagmamahal, Salamat Panginoon sa walang sawang pag agapay, Sa mga oras nanaramdaman naming ang pagod at pagkabagot pero ni minsan ay di mo kami nagawang bitawan, Sa mumunting regalo na dumating sa kalagitnaan ng aming paglalakbay, Sa mga matatapang kong kapatid, na sumugal at hindi inurungan ang hamong ito! Sa nabuo at lumalim na pagkakaibigan, Sa mga oras na sabay sabay kaming nag alay ng panalangin para Sayo, Sa sarap ng tawanan na aming pinagsaluhan… At higit sa lahat, sapagtitiwala mo sa aming kakayahan Na aabot kami hanggang sa dulo… Hindi sapat yung salitang SALAMAT! Para maiutal