Iniiyakan ko ang planner ko habang
binabasa ang mga naisulat
kong plano,
para sa sarili ko, para sa
pamilya ko,
para sa komunidad kung san ako nabibilang
at para sa ikauunlad ng
bansang Pilipinas (haha. Loko lang)
yung totoo, nitong mga nakaraang araw,
maraming
beses lang nakikipag usap sakin ang Panginoon
sa pamamagitan ng mga talata ng
librong aking binabasa,
sa musikang aking pinapakinggan
at maging sa mga taong
aking nakakasalamuha,
ang minsang mga bagay na akala ko’y
nakaayon naman sa
plano ng Panginoon
ay nag iiba ng ruta at mas pinapakitaan Niya ko
ng bagay na
di ko sukat akalain, at kelangan ko talagang namnamin.
Ang pulit ulit na mensaheng binibigay Niya “Mag antay ka”
ang salitang to na pakiramdam ko unti
unti kong ikamamatay (OA lang… haha)
sati’y napakahirap isa –puso’t isabuhay,
habang iniisip nating ang buhay nati’y isang mahabang paglalakbay,
sa Kanya
nama’y pagkakataon ito para baguhin at ihanda ang ating puso,
upang unti
unting Niyang ipakita satin ang napakaganda Niyang plano,
minsan pa’y may
mga masasakit na katotohanan,
pero masayang tinatanggap ng puso mo,
kasi alam mo kung sino ung may akda,
alam kung ganu Niya ka perpektong plinano
ang bawat detalye ng buhay mo,
alam
Niya din kung ganu kalalim
ang bakas ng iiwan nito sayong puso,
at alam Niya
din na dito ka matututo.
Nakalagay
to sa unang pahina ng planner ko
(akala ko nun para hindi lang boring pagbuklat
haha),
pero ngayun mas naiintindihan ko na kung bakit ko to nilagay sa unang
pahina,
na kung anu man yung maisusulat ko sa mga susunod na pahina,
paalaala
ang unang pahinang ito na “mas maganda” yung Planong meron Siya!
May mga bagay na
biglang hahampas nalang sa puso mo at bigla mong maiintindihang “KAYA PALA” J
#SalamatSaPaalaala #MisyonaryaHanggangMamayapa #TYL
#85of365 #EnduringHeart #FearlessFaith
Comments