Araw ngayon ng pagtatapos, madaming na namang magsisitalunang diploma!
batid ko lamang alalahanin ang pagtatapos din ng paglalakbay ng isang makabuluhang CLP nung isang taon! :)
"For the Lord Most High is awesome, the great King over all the earth"
~Psalm 47: 2
batid ko lamang alalahanin ang pagtatapos din ng paglalakbay ng isang makabuluhang CLP nung isang taon! :)
Salamat Panginoon,
Sa mumunting mensaheng dumating,
Sa mga taong nagbahaging kanilang oras, kakayahan at talento,
Sa mga taong ginawa mong instrumento,
upang maibahagi sa iba ang iyong pagmamahal,
Salamat Panginoon sa walang sawang pag agapay,
Sa mga oras nanaramdaman naming ang pagod at pagkabagot
pero ni minsan ay di mo kami nagawang bitawan,
Sa mumunting regalo na dumating sa kalagitnaan ng aming paglalakbay,
Sa mga matatapang kong kapatid,
na sumugal at hindi inurungan ang hamong ito!
Sa nabuo at lumalim na pagkakaibigan,
Sa mga oras na sabay sabay kaming nag alay ng panalangin para Sayo,
Sa sarap ng tawanan na aming pinagsaluhan…
At higit sa lahat, sapagtitiwala mo sa aming kakayahan
Na aabot kami hanggang sa dulo…
Hindi sapat yung salitang SALAMAT!
Para maiutal ng bibig koang nais sabihin ng puso ko…
Ibinibigay napo namin sainyo ang panulat,
upang dugtungan niyo pa ang kabanata ng aming paglalakbay! :D
"For the Lord Most High is awesome, the great King over all the earth"
~Psalm 47: 2
#StandFirmInFaith
Written: May 10, 2013 :)
Comments