Partikular na lugar: eto ako sa bus, nagising ako bigla
Oras: time check... { sandali punas laway muna, parang meron nang nagbabadyang bumuhos} eto 05:10 ng hapon sa aking orasan}
Tagpo: antok na antok pa talaga ako...
Eto yung kwento ng Pag-ibig: ...pero nagising ako ng biglang tumigil ang bus... dahil sa one way sign... ♫♪ One way... Je… (Oh itutuloy pa, hindi yun :3 )
madami kasing ginagawang kalsada sa lugar nato.
Tumigil kami sa Pagbilao, Quezon... Umayos ako ng pagkakaupo dahil may naalala ako sa lugar nato! Yung Brgy. Ikirin, Kung san andun yung isang Mission Center hinanap ko hanggang sa tumigil ulit kami sa mismong tapat nun.
2012, ng unang mapadpad ako dun, sa isang Mission Volunteer Retreat, pahat na isipan ngunit punong puno ang puso ko, punong puno ng pagmamahal, punong puno ng hangaring magsilbi…
2015, nang mapadaan ako ulit, isang malaking hampas sa puso… hindi napapagod ang Panginoon ipaalala sa atin kung gano Niya tayo minamahal mula noon hanggang ngayon… isang paalala din yun ng aking misyon, misyon na patuloy na mahalin ang mga taong itinalaga Niya sa akin… yung patuloy na nagmamahal kahit nasasaktan… yung patuloy na nagmamahal kahit nahihirapan… yung patuloy na nagmamahal sa kasagad sagaran… Akala ko tapos na yung kwento, panibagong kabanata na naman pala ☺ Kung ano’t anu man man… Alam ko kasama Kita! Apil {medyo bulol na Apir} ☺
#SUNSET
#latepost
@Brgy. Ikirin, Pagbilao, Quezon
Comments