Blankong isipan sa harap ng monitor, habang patuloy na
umaandar ang aking kamay at ang aking utak.
Hanggang ngayun, di parin malinaw sakin kung anu talaga ang
gagampanan kong misyon dito sa mundo, di parin ako makapag desisyon sa buhay
ko, at di parin ako mabigyan ng buong tapang upang harapin ang nakaatang na
responsibilidad ko dito. Mariing tinatangi ng isipan ko, pero alam kong malinaw
itong isinisigaw ng puso ko, pero sabi nga nila walang inaatrasang laban ang
panginoon at kailanman ay di sya nagpatalo, maka-ilang ulit na tong panawagang
galing sa kanya, marahl ay binabalewala ko lang kaya siguro nahihirapan lalong
tanggapin ng katawan ko, yung halo halong nararamdaman ng utak at puso ko.
Marahil nga, aminin ko man sa hindi, eh ito na talaga
nakatadhana para sakin, mabigat ang loob ko sa desisyong gagawin ko pero alam
ko na ito yung pinakamagandang desisyong gagawin ko, di ko alam kung may
patutunguhan at di ko rin alam kung san papunta tong byaheng ito, ang tanging
alam ko lang eh SYA yung mag mamaneho ng buhay ko at buong puso kong ibibigay
sa kanya yung pagtitiwala ko.
Halo halong emosyon yung nararamdaman ko, iniisip ko pa
lamang yung gagawin ko, ganun din siguro yung naramdaman ni Hesus nung ibigay
sa kanya ng panginoon ang krus sa kanyang balikat. Maaring matatawa yung iba,
magagalit,manghihinayang sa maari ko sanang maging buhay kung mas pipiliin kong
mabuhay sa karangyaan at subukang makipagsapalaran sa mundo. Pero ewan ko nga
ba, ni kailanman di ako binigo ng panginoon at ni sa tanang buhay ko, binigyan
niya ko ng rason para di magtiwala sa kanya.
Makikipagsapalaran ako, sa daang itong inayos ng panginoon
para sakin, di ko man masisiguro na di ako mahilo o di tumalbog yung kaluluwa
ko sa daang tatahakin ko, nasisiguro ko naman na sa dulo nito… sasalubungin at
aakapin niya ko.
Comments