Gusto ko ulit magsulat, gusto ko ulit makabuo ng isang
nobela, tula o sonata na matatawag kong obra… yung pinag isipan ko talaga, yung
dudugo yung ilong at utak ko sa pag iisip ng mga malalalim na salita na babagay
sa aking obra.
Pero sabi nga nila, di mo kailanman mapipilit ang utak mong
gumana at ang kamay mong gumalaw ng dirediretso, kelangan ng konting
inspirasyon , magandang background music at maayos na posisyon…
Minsan kahit konting pinag dadaanan pwede na, makakabuo ka
na nun ng isa o mahigit pang linya…
Try ko kayang maligo muna???
Ng ganahan naman kahit konti yung utak ko, kaya siguro di
ako nakakapag isip ng matino eh dahil sa amoy ko,.. isang araw din kasi akong namahinga (di
namatay ah), kundi dahil umatake na naman yung sakit ko, yung di makatulog
dahil nasobrahan sa kape…
Saklap! Kung anu pa yung bumubuhay sa dugo mo, yun pa yung
pilit na ipagbabawal ipainom sayo ng doctor mo (langya!) kaya nga di ko lubos
maisip na kumakain ako ng agahan na wala yung perfect partner sa umaga, yung
kape’t pandesal…
Pero makulit din ako eh, matigas pa ang ulo, ngayun
nagkakape padin ako, tinitigil ko lang kapag medyo may nararamdaman na naman
ako, di ko lang madisiplina yung sarili kong itigil na yung ganung bisyo…
Malamang pag inatake nako ng todo, pero wala paring
makakapigil dun (yka nga magkamatayan na haha.. joke!!! ) gusto ko pang
matikman ang mundo noh!
Ayyy…. Isip isip… sulat sulat….
Ubos na naman yung scratch paper ko, lumanding lahat sa
basurahan yung mga walang kwentang ideyang nagsiksikan sa utak ko…
Swerte nung ibang naging hugis eroplano, lugi yung napulot
ng nanay ko sa sahig, panigurado ipangsisiga sila para makaluto…
Sabay makakatulog ang utak na pagod...
Comments