Alam mo ba kung bakit inako niya ang mga sugat sa kanyang katawan? Alam mo ba kung bakit tiniis niya ang sakit? Alam mo ba kung bakit inalay niya ang buhay niya sayo? At alam mo rin ba kung bakit sa kabila ng sakit na naranasan niya, Eh di ka parin niya binibitawan hanggang ngayon? Kasi minahal ka niya ng buo Mahal ka niya ng walang pag aalinlangan At mahal ka niya higit pa sa sarili niya, Ikaw? Pano mo mapapatunayan yung tunay na pagmamahal mo sa kanya? Isang malaking hamon para sa lahat ang araw araw na hinaharap nating problema, Hanggang san ka kakapit? Hanggang san ka magiging malakas? At hanggang kailan mo mapaninindigan ang pagmamahal mo sa kanya? Lahat tayo ay dumadaan sa mga di pangkaraniwang biyaya sa buhay, Pero wala tayong rason para bumitaw ng ganun ganun nalang… Buksan mo nga yung mata mo, Pakinggan mo ang puso mo, Alam mong kaya mo! At alam mo ding malalampasan mo! Isa lang ang hinihingi NIYA sayo, Wag mong alisin