Minsan ang buhay
ay parang exam lang…
Multiple choice,
nakakalito…
di mo alam kung A.
B. C.
o all of the Above
yung pipiliin mo,
Matching type,
maling kapareho,
kaya ingat ingat
nalang sa pag pili,
subukan mong pag isipan
ng matagal…
Enumeration…
Walang ibang
sagot,
Sakto lang kumbaga
Di pwedeng dalawa
yung sagot mo,
Isa lang yung
tumpak na sagot at wala nang iba.
Essay,
kung saan Malaya mong maipapahayag ang iyong sarili
Opinion at
saloobin mo sa naturang katanungan,
Medyo durugo lang
nga ang utak mo pag
Wala kang ideya sa
katanungan ng buhay sayo,
Anu nga namang
maisusulat mo.
At ang huli at ang
pinakagusto ko!
True or False…
Palagay ko sa
lahat ng klase ng pagsubok
na ibibigay ng
panginoon
Eto yung hinihingi
niya satin,
Ang maging totoo
sa sarili,
Maging totoo ka sa
tatahakin mong landas,
Kasi alam mong dun
ka sasaya,
Di kailan man
mapipilit yung puso mong
Maging masaya sa
bagay pipiliin ng utak mo lang ng mag isa,
Tsaka isa pa nga
pala,
Ang buhay di
kailanman nag a-announce
Kung kelan, saan,
at paano tayo bibigyan ng exam,
Kaya maipapayo ko
lang…
Maging handa lagi
yang puso mo!
Kasi malay mo,
Tawagin ka na ng
panginoon para mag exam ngayun. J
Comments