"its not about the Landscape, its more on the Humanscape" - from Tito Mannix Ocampo
Nakapunta ako sa napakagandang lugar ng palawan, nakapasok sa underground river at nakalasa ng mga pagkaing dun lang matatagpuan.
Ang mayamang lugar ng Cebu, kung saan matatagpuan ang Magellan's Cross, sa Bohol at nasilayan ang Chocolate Hills, at ang yaman ng lugar na iyon...
Ni sa panaginip ay di sumagi sa isip ko na makakarating ako sa mga lugar na ito,
mga lugar na pinapangarap ko lamang, mga lugar, na akala ko'y sa libro ko lamang makikita.
Madaming taong naghahangad na makapunta din sila,
pero isa ako sa mapapalad na nakarating sa mga lugar na iyon, halos maiyak ako sa tuwa, sa tuwing nakakapunta ako sa ibang lugar,
panibagong karanasan at mga bagong kakilala...
Pero anu nga ba yung pinaka rason natin kung bakit tayo pumupunta sa mga conferences?
para ba sa magagandang lugar?
para ba sa mga kakaibang pagkain?
o sa kakaibang karanasan?
Sa araw - araw na ginawa ng panginonon,
sa katabi mo sa jeep, sa tricycle, mga katrabaho,
Kaklase at maging sa pamilya,
kilala kaya nila ng lubusan ang panginoon?
Tumingin ka sa paligid mo,
ang mga ordinaryong taong ito
ay ang tunay mong misyon sa mundo,
ang ibang bagay ay bonus na lamang kumbaga :)
ISA ITONG MALAKING HAMON PARA SA LAHAT!
Hanapin natin ang tunay na misyon natin sa mundo :)
Comments