Skip to main content

eXTAordiNary Blessings





Alam mo ba kung bakit inako niya ang mga sugat sa kanyang katawan?
Alam mo ba kung bakit tiniis niya ang sakit?
Alam mo ba kung bakit inalay niya ang buhay niya sayo?
At alam mo rin ba kung bakit sa kabila ng sakit na naranasan niya,
Eh di ka parin niya binibitawan hanggang ngayon? 

Kasi minahal ka niya ng buo
Mahal ka niya ng walang pag aalinlangan
At mahal ka niya higit pa sa sarili niya,

Ikaw?

Pano mo mapapatunayan yung tunay na pagmamahal mo sa kanya?
Isang malaking hamon para sa lahat ang araw araw na hinaharap nating problema,
Hanggang san ka kakapit?
Hanggang san ka magiging malakas?
At hanggang kailan mo mapaninindigan ang pagmamahal mo sa kanya?

Lahat tayo ay dumadaan sa mga di pangkaraniwang biyaya sa buhay,
Pero wala tayong rason para bumitaw ng ganun ganun nalang…
Buksan mo nga yung mata mo,
Pakinggan mo ang puso mo,
Alam mong kaya mo!
At alam mo ding malalampasan mo!
Isa lang ang hinihingi NIYA sayo,
Wag mong alisin yung tiwala at pananalig mo sa KANYA,
At kahit anu mang pagsubok,
O ilang beses ka mang madapa,
Patuloy ka paring lalaban…

Kung di man kagandahan yung nangyayari ngayun sa buhay mo,
Isipin mo nalang:

‘Hindi man ako andun sa lugar na gusto ko,
Andito naman ako sa lugar,  
kung saan alam ng panginoon na,
Mapapabuti ko ang sarili ko”  

Comments

Popular posts from this blog

Para kanino nga ba ako?

Para kanino nga ba ako? Para kanino ako nabubuhay? Madaming beses ko na iyong naitanong sa sarili ko, Pero di ko matagpuan yung sagot… Hanggang sa isang araw, Sa paghahanap ng kasagutan, Dun ko naramdaman yung rason ko, Kung bakit ako inilagay sa mundo, Bakit nga ba hindi ako sa ibang panahon at lugar ipinanganak? Magulo kung iisipin mo pa diba? Pero bawat isa sa atin ay may mahalagang papel sa mundo, Maliit man o malaki, Andyan ka, kasi ikaw lang ang makakagawa nun, Wala ng iba… Kaya buong puso kong sasabihin na: Andito ako ngayun sa lugar kung saan, Perpektong plinano ng diyos   ang bawat detalye ng buhay ko J

Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…

tarah kape tayo?  Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…     mas mabuti narin siguro yun kesa sa marijuana o sa shabu ako na- adik. Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…  sisihin nyo yung nakaimbento na pwede palang lantakan ang kape at di sa ibang bagay nagiging kapakipakinabang. Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape… tuwang – tuwa naman yung pinag bibilhan ko ng kape, mantakin mung tatlong beses o mahigit pang baso ng kape ang naiinum ko araw – araw. Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape… ♪♫♪ “nais kung mag beer house ngunit kulang ang pera, kaya’t nagkakape nalang dagdag pa sa kaba...... " ♪♫♪ yka nga ng siakol, “substitute products” – sabi ng microeconomics prof. namen, kapag mas mababa daw ang presyo ng “substitute products” kupara sa aktwal na produktong nais mung bilhin, bababa ang “demand” sa aktwal na produkto at tataas naman ang “demand” para sa “substitute products” pero naisip ko lang ha

Madya! Bisitahun ta ang SIRUMA!

Mag puun sa halabang byahe kan jeep, hasta tumagilid, pirang beses kang maghugdu asin kaipuhang makiuyun ang saimung hawak sa pag andar kan sasakyan. Si medyo lulaun mairikot man talaga ang tulak asin pamayu, sa paghakalabang tinampong kaipuhan balyuhun nganig makaduman ka sa lugar na ini. Lantsa , para sa gusto  man mag agi sa mayamang kadagatan. Alagad pag ika naman nakatumak sa lugar na padudumanan, Biyung nagsusurulwak sa kagayunan asin sa yaman ang lugar na iniyu, Magpuun sa kagayunan kang pwesto kaini and mga taong mahihigus asin nagtatarabang tabang, nangad ang malaen laen na pagkakan na isisirbi saindu. Turukal kasag, hirimay sira, kurudot ning langka asin hungit nin kadakulang maluto, tapos malaguk kang maliput na tubig ay abaanang siram mabuhay sa SIRUMA. Medyo masakit lang ang pagsakdo kan tubig, pero sa dae matatawarang kahigusan, pagtatarabangan asin pagpadangat sa kada saru, gabus nagigibuhan paagi. Kun