Skip to main content

Uhm-ma





Sa tuwing mag kukwento si mama ng mga bagay na paulit – ulit, gusto kong sabihing “sinabi mo na yan ma, mga sampung beses na”…

Pero mas natutuwa akong pakinggan iyon,
Sabay sasagi sa aking isipan na, minsan nung ako’y bata pa, mahigit pa sa sampung beses ko ipinagyayabang kay mama ang nakuha kong test result sa exam, kung pano ko paulit ulit na umiyak dahil nadapa ako, at kung gano ako kasaya sa tuwing pumupunta kami ng karnabal. ^^,  

Comments