Minsan pa’y sa
aking paglalakad…
Ako’y may nakitang
munting kulibangbang…
At sa aking
malikot na isipan ay naihalintulad ang buhay ng isang kulibangbang…
Na bago lumundag
ang isang kulibangbang sa bagong yugto ng kanyang buhay, ay kailangan niyang hayaang
mamatay ang dating mumunting higad…
Tulad ng buhay ng
tao, madalas, nahihirapan tayong tanggapin ang “bagong ikaw” kasi patuloy mong
ikinukulong ang sarili mo sa madilim mong mundo…
Minsa’y pa’y sa
aking paglalakad…
Ang mumunting
kulibangbang ay nag paalala sa akin sa bawat sakit at kasiyahang iniiwan ng mga
bagay na dumadaan sa ating buhay…
Na di mo
masisilayan ang ganda ng isang kulibangbang kapag di siya dumaan sa bawat yugto
ng kanyang buhay…
at mula sa higad
ang napakagandang pakpak ay mamumukadkad at maikakampay sa kalangitan…
#kulibangbang –
tawag sa paru-paro ng mga Ilokano
Comments