Kulang ang
pasasalamat Sir Jess,
Sa kabutihan at
inspirasyong ibinahagi mo sa amin,
Higit pa sa isang
AMA ang turing ng mga NAGUEÑOS sa iyo,
Marami ang lumuha
at nalungkot sa biglaan mong pag-alis,
Marami sa aming
mga kabataan ang minsa’y natulungan mo,
Upang
maipagpatuloy naming ang aming pag – aaral,
At ipinagmamalaki
kong sabihing: “isa ako sa mapapalad na iyon”
Hinding hindi ko
makakalimutan ang ngiting binibitawan mo
Sa tuwing
naglilingkod ka para sa kapwa,
Ni hindi mo
iniinda ang hirap o maging ang oras ng pagtulong
Basta’t alam mong
may nangangailan sa iyo…
Isang deboto ni
INA,
Isang napaka
simpleng tao…
Mabigat man sa
aming mga puso,
Pero maluwag
naming iyong tinatanggap,
Kasi alam naming
yakap-yakap ka ng Panginoon ngayon,
Salamat sa
inspirasyong iniwan niyo sa amin…
Salamat sa
pag-asang itinanim mo sa aming mga puso’t isipan…
Salamat sa di
matawarang pagmamahal na ibinahagi nio sa amin…
IKA SARUNG URAGON!
IKA SARUNG
BIKOLANO!
TA IKA SI JESS
ROBREDO!
#salute to Sir
Jess
Comments