Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2012

♪salamat saiyo, kaibigan ko♪

Alam mo kung anung maganda sa isang kaibigan? Di mo kailanman sila maiaalis sa buhay mo, Naging masakit man o masaya yung karanasan mo kasama sila Hindi sila tulad ng tinapay sa bakery na kapag panis na eh pwede mong palitan Hindi sila battery, pero konting lambing mo lang, Re-charged ulit sila para lang pasayahin ka, Umabot man sa puntong wala sila sa mood para pagtyagaan ka, Hahanap at hahanap sila ng paraan Para wag mo lang maramdaman na nag iisa ka, Kahit halos mapukpok ka na nila sa sobrang inis Dahil sa kagagahang paulit ulit mong ginagawa. Magkaganun man, darating at darating sa puntong Mararamdaman mong wala ni isa man lang sa kanila Ang makaalala sa mumunting pangakong binitawan niyo bilang magkakaibigan, Ngunit isa lang yung iiwan nilang sayo, “yung mga aral at ang dami ng oras na pinili mong maging masaya kasama nila” #friendship #lifeLEssons

Mga mumunting kasiyahang bumabanat sa bibig ko :)

Kape --- (malapit ko na syang ilista bilang “kaibigan” haha – pero nag-iisa padin si Lord---sya yung bestfriend ko simula na iniluwal ako ng mama ko sa mundo) “Sweet Nothings ” ---(minsan, dugo’t pawis na ginagawa natin upang pag isipan at pag planuhan ang maaaring makapagpasaya sa isang tao, pero yun yung di natin lubos maisip --- lahat ng tao, kapag ginawa mo iyon para sa kanya ng maluwag sa puso mo, higit pa sa ukit sa puso ang maibibigay mo sa kanya --- wala sa presyo at sa ganda, kundi sa sinseridad ng puso mo) Anyong TUBIG --(takot ako malunod, kasi nga eh di ako marunong lumangoy… pero napakasayang maglakbay sa malawak na katubigan… ang paghampas ng alon sayo habang nag iiwan ka ng bakas ng iyong mga paa sa buhangin… ang pagmasdan ang paglublob ng araw sa dagat tuwing takipsilim… isang patunay na napaka swerte nating nilalang) Bolpen,Papel at Ritmo ---- (ang pagsabayin ang pagsusulat at ang pintig

RA 2012-LOVE

Sobrang laki ng suliraning pang ekonomiya, Pero mas malaki parin pala ang saklaw ng suliraning pam-PUSO Kaya nga di narin nakakapagtaka Ang mga mala-kabuteng pagsulputan ng mga, “On the spot Love Analyst” Nagbibigay payo sa mga… Pusong sawi Pusong sugatan Pusong bato Torpe Na-Friendzone O nang Friendzone Di mapiyansahan ang pagkakakulong sa nakaraan At sa mga patuloy na umaasang mamahalin sila pabalik Ng mga buwis – buhay nilang minamahal… Ang pagsikat ng mga kantang sumasabay sa pinagdaraanan ng puso Umaani ng milyon-milyong “likes, shares at views” Laman ng bawat “tweets, status, inbox ng cellphone mo at mangilan ngilan nadin ang nakakagawa ng libro” at pansin mo din ang mga “youtube sensations” na sumasalamin Sa nakaraan at kasalukuyang sitwasyong kinakaharap nila. Marahil nga hindi sapat na libreng goto lang yung pinagtutuunang pansin ng Gobyerno Kundi ang paggawa nadin ng ahensyang kakalinga sa mga puso.   

Tadhana

Minsan gagamitin ka ng Tadhana upang paglapitin ang dalawang puso kahit sa pinakamasakit na paraan… may mga bagay, tao, pangyayari at sitwasyon, na ibibigay satin, na akala natin ay magtatagal… di kukupas, di mauupos, di mawawala… ngunit bigla nalang maglalaho ng parang bula Walang pasubali at wala man lang pagpaparamdam, Kusa nalang magsisiaklasan ang utak at puso mo Sa di maipaliwanag na nararamdaman… Mariing itinatanggi ng utak mo, Pero alam mong sobrang lalim na ang komplikasyon nito sa puso mo. Madalas tanungin mo ang tadhana “Anu nga bang kasalanan ko sayo?” O kaya ay baka napagtripan ka nga lang niya…   “Ang hirap intindihin ang Mundo” Isang masaklap na pangyayaring… Kailanman ay di na maiaalis sa ukit ng tadhana… Umaasa ka nalang na isang araw, Muling mabubuo ang puso mo, Buong – buong tatanggapin ang iyong kahinaan at Muling babangon upang sumabok ulit, Sumabak sa giyera At subuk