- Kape --- (malapit ko na syang ilista bilang
“kaibigan” haha – pero nag-iisa padin si Lord---sya yung bestfriend ko
simula na iniluwal ako ng mama ko sa mundo)
- “Sweet Nothings” ---(minsan, dugo’t pawis na ginagawa natin
upang pag isipan at pag planuhan ang maaaring makapagpasaya sa isang tao,
pero yun yung di natin lubos maisip --- lahat ng tao, kapag ginawa mo iyon
para sa kanya ng maluwag sa puso mo, higit pa sa ukit sa puso ang
maibibigay mo sa kanya --- wala sa presyo at sa ganda, kundi sa sinseridad
ng puso mo)
- Anyong TUBIG--(takot ako malunod, kasi nga eh di ako
marunong lumangoy… pero napakasayang maglakbay sa malawak na katubigan…
ang paghampas ng alon sayo habang nag iiwan ka ng bakas ng iyong mga paa
sa buhangin… ang pagmasdan ang paglublob ng araw sa dagat tuwing
takipsilim… isang patunay na napaka swerte nating nilalang)
- Bolpen,Papel at Ritmo ---- (ang pagsabayin ang pagsusulat at ang
pintig ng bawat musika… madalas kong libangan to)
- Nakaw ng Oras ---- (madalas akong tumakas! Takas sa maingay na
mundo, nakaw ng konting oras para sa sarili at para sa KANYA)
- Pagsusulat ---- (Ang paglalatag ng lahat ng gumugulong sa
utak sa papel o kaya madalas eh sa harap ng monitor, (medyo haytek na eh)...
magtatype sa cellphone ng mga bumabagabag sa utak at masaklap pa minsan
kung pumatak ng ala una ng umaga :D)
Hindi lang musika ang patuloy na umaalingawngaw sa puso natin
pati mga kasabihan…
LQS yka nga! ----------> “Last Quote Syndrome”
Nakatawag pansin sakin ang “Quote” na ito ni -- Samuel Taylor Coleridge sabi niya:
"The
happiness of life is made up of minute fractions -- the little soon forgotten
charities of a kiss or smile, a kind look, a heartfelt compliment, and the
countless infinitesimal of pleasurable and genial feeling."
Comments