Sobrang
laki ng suliraning pang ekonomiya,
Pero
mas malaki parin pala ang saklaw ng suliraning pam-PUSO
Kaya
nga di narin nakakapagtaka
Ang
mga mala-kabuteng pagsulputan ng mga,
“On
the spot Love Analyst”
Nagbibigay
payo sa mga…
Pusong
sawi
Pusong
sugatan
Pusong
bato
Torpe
Na-Friendzone
O
nang Friendzone
Di
mapiyansahan ang pagkakakulong sa nakaraan
At
sa mga patuloy na umaasang mamahalin sila pabalik
Ng
mga buwis – buhay nilang minamahal…
Ang
pagsikat ng mga kantang sumasabay sa pinagdaraanan ng puso
Umaani
ng milyon-milyong “likes, shares at views”
Laman
ng bawat “tweets, status, inbox ng cellphone mo
at
mangilan ngilan nadin ang nakakagawa ng libro”
at
pansin mo din ang mga “youtube sensations” na sumasalamin
Sa
nakaraan at kasalukuyang sitwasyong kinakaharap nila.
Marahil
nga hindi sapat na libreng goto lang yung pinagtutuunang pansin ng Gobyerno
Kundi
ang paggawa nadin ng ahensyang kakalinga sa mga puso.
Comments