Minsan
gagamitin ka ng Tadhana
upang
paglapitin ang dalawang puso
kahit
sa pinakamasakit na paraan…
may
mga
bagay,
tao,
pangyayari
at sitwasyon,
na
ibibigay satin, na akala natin ay magtatagal…
di kukupas,
di mauupos,
di mawawala…
ngunit
bigla nalang maglalaho ng parang bula
Walang
pasubali at wala man lang pagpaparamdam,
Kusa
nalang magsisiaklasan ang utak at puso mo
Sa
di maipaliwanag na nararamdaman…
Mariing
itinatanggi ng utak mo,
Pero
alam mong sobrang lalim na
ang
komplikasyon nito sa puso mo.
Madalas
tanungin mo ang tadhana
“Anu nga bang kasalanan ko sayo?”
O
kaya ay baka napagtripan ka nga lang niya…
“Ang hirap intindihin ang Mundo”
Isang
masaklap na pangyayaring…
Kailanman
ay di na maiaalis sa ukit ng tadhana…
Umaasa
ka nalang na isang araw,
Muling
mabubuo ang puso mo,
Buong
– buong tatanggapin ang iyong kahinaan
at
Muling babangon upang
sumabok
ulit,
Sumabak sa
giyera
At subukang
pumusta ulit sa TADHANA!
Comments