Alas singko na naman! (Uwian na!!!) Tapos na naman ang isang araw na pakikipagbuno para sa kakarampot na sweldo. Masakit sa likod, mahapdi sa mata, sige na buong katawan na masakit (sabay hilot ng ngalay na kamay) Pagkapa mo sa bulsa mo, kulang na pamasahe mo, Buti nalang malapit lang bahay niyo At di nagbuhos ng galit sayo ang kalangitan. Tsagaan mo nalang lakarin, saying din ng walong piso (buntong hininga) Headphones: ON – World: Off Sabay hakbang ng paa… Lahat na yata ng polusyon masasalubong mo sa daan, Ang walang katapusang pagkalabit ng mga batang lansangan upang manghingi ng barya… Ang mga sasakyang walang pakundangan sa pagbusina at parang mga pusit sa pagbuga ng maitim sa usok mula sa tambutso nila Ang mga nagkalat na basurang walang mapaglagyan sa kabila ng kaliwa’t kanang “trash bin” Ang sabay sabay na sagutan at bangayan ng mga tindera at mamimili sa isang tindahan ng tinapay At ang masalimuot na amoy ng hangin, wal