Alas singko na
naman! (Uwian na!!!)
Tapos na naman ang
isang araw na pakikipagbuno para sa kakarampot na sweldo. Masakit sa likod,
mahapdi sa mata, sige na buong katawan na masakit (sabay hilot ng ngalay na
kamay)
Pagkapa mo sa
bulsa mo, kulang na pamasahe mo,
Buti nalang
malapit lang bahay niyo
At di nagbuhos ng
galit sayo ang kalangitan.
Tsagaan mo nalang
lakarin, saying din ng walong piso (buntong hininga)
Headphones: ON – World:
Off
Sabay hakbang ng
paa…
Lahat na yata ng
polusyon masasalubong mo sa daan,
Ang walang
katapusang pagkalabit ng mga batang lansangan
upang manghingi ng
barya…
Ang mga sasakyang
walang pakundangan sa pagbusina
at parang mga
pusit sa pagbuga ng maitim sa usok mula sa tambutso nila
Ang mga nagkalat
na basurang walang mapaglagyan
sa kabila ng
kaliwa’t kanang “trash bin”
Ang sabay sabay na
sagutan at bangayan ng mga tindera at mamimili
sa isang tindahan
ng tinapay
At ang masalimuot
na amoy ng hangin, walang katulad.
Pero sa kabila ng lahat…
May mga bagay ka pading
ipagpapasalamat
Ang pag akap ng
buwan sa araw
Ang malamig na
simoy na hangin
Ang mga ibong
Malayang nakakalipad sa kalangitan
Ang musikang
dumadaloy sa puso mo,
Ang pawis na
pumapatak mula sa noo mo.
At sa wakas,
nakauwi ka na sa bahay niyo.
Comments