Kawawang internet,
napagbubuntunan ng
galit,
ng katuwaan,
at kung anu anu
pang maisip na gawin ng tao,
marahil kung
nakakapagsalita sila at nakakagalaw,
matagal na nila
akong sinampal
o kaya binatukan
sa mga walang kwentang bagay na naisip ko ilagay sa profile ko at magbahagi ng
mga bagay na nakakapanakit sa iba…
kulang ang “think
before you click”
ang mga
ipinapatupad na batas,
Kung walang
disiplinang itinatanim sating mga puso…
Nawa’y magsilbing
inspirasyon at kagalakan
at hindi sugat sa
puso ng ating kapwa ang bawat salitang bibitawan natin J
God’s word –
Handle it with care…
~Proverbs 12:18
Comments