Dalawang bangkang
papel
Na minsa’y
nagpaligsahan,
Ang unang
makarating sa dulo ng ilog,
ay syang
hihiranging magaling…
Ngunit sa kaalaman
ng isang bangka,
Maaaring ikasira
ng kanilang mumunting katawan,
Ang pagkahulog sa
dulo ng ilog…
Kaya sa takot,
pinili niyang isalba ang sarili
At labanan ang
agos…
Samantalang ang
isang bangka
Ay masayang
sumabay sa alon,
Makailang beses na
tumaob sa lakas ng hampas,
Pero patuloy na
nagpaagos hanggang sa dulo…
Isang malakas na
pagkahulog sa talon…
Sa pag – aalala’y
sinilip ng isang bangka kung anung kinahinatnan
Ng kanyang kasama,
malaking gulat at pagkainggit ang kanyang naramdaman…
Masayang masaya
ang mumunting bangkang nakikipaglaro sa iba pang
Bangkang papel… ^_^
Tulad ng tao,
madalas natatakot tayong tumaya para bukas,
kasi nga naman
walang kasiguraduhan, pero hahayaan mo bang nakawin ng takot ang pagkakataon na
maging masaya ka?
Minsan din sa
buhay natin, hindi yung patutunguhan yung nakakapagpapasaya satin, kundi yung mumunting
kasiyahang naidulot dahil hinayaan nating puso natin yung magpasya. c(^_^)p
Comments
If it's your turn, it's your turn. It can make you feel terrified but you just have to do it. -Pastor Carlo Panlilio-
great work apple, magayon siya. inspirational. hahaha. makagibo man daw arog kaini.