Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2014

Daily prompt: Sometimes, God takes you the long way...

♪ ♫ ♪ I’ll be here patiently waiting… (kinanta mo? ^_^ pamilyar sayo?) Eto lang naman yung isa sa kantang pinasikat ni Mr. Mraz! Applicable! di lang sa pag – ibig kundi sa pang araw araw na buhay di ba? Minsan naramdaman mo nadin yun noh? yung pakiramdam na sobrang inaantay mo yung isang bagay na mangyari tas konti nalang sana, (konting konti nalang) tas bigla kang nainip, nag short cut ka, tas mas napatagal lalo?!!!...   (brrrrr…) –feeling annoyed! T_T mga ganung tagpo! Ang buhay ay isang malaking laberinto, Kung saan mas nakikita Niya yung kelangan mong daanan, kelangan lang ibigay mo yung tiwala mo sa Kanya kasi di ka naman Niya idadaan sa lugar na di ka matututo at di ka mababago. Minsan kasi mas marunong pa tayo sa Kanya, mas pinaniniwalaan nating mas madali yung rutang ginagawa natin sa buhay.  Malamang sa malamang, ang lugar lang kung asan tayo ngayun at ang destinasyon na gusto nating mapuntahan ang tanging nasa isip natin, pero… tingin ka sa t

Daily Prompt: God's I love you

Kapag nasasaktan tayo, kadalasan gusto na nating bumitaw...  Ngunit isipin mo ulit, na sa kabila nun,  patuloy na tumitibok ang yung puso...   Napatunayan mong muli na nakakaramdam ka padin,  na buhay ka padin at sa kabila ng mga bakas ng sugat sa iyong puso  ay nananatili kang lumalaban kasi alam mong  hindi pa ito ang dulo ng iyong paglalakbay...  Marahil ay nagrereklamo ka na sa paulit ulit na tagpong ito,  pero may kakilala kaya ako,  mahigit anim na libong sugat ang tinamo niya mula  ulo hanggang dulo ng kanyang kuko,  subalit sa sobrang tindi ng pagmamahal Niya,  kailanman ay hindi Siya umayaw  at tiniis Niya lahat ng yun!  Ang pangungutya at ang walang katulad na sakit,  hindi para patunayang malakas Siya,  kundi isang patunay na ganun Siya katindi magmahal. Batid kong kilala mo din Siya.  Marahil ay nagkasalubong nadin kayo minsan,  at nasaktan mo din Siya ng di mo nalalaman.  Maging ako man, paulit ulit kong ibinaon a

Daily Prompt: Spilled

Kamusta?  (muling naiutal ng tinta sa papel) Napadaan lang, marahil ay nagtatampo ka ulit! Ngayo’y ako’y muling nangungulit, Psssst. Sagot naman please… (ang lahat ay tahimik)   Ang tinta ay muling hahalik sa papel, ngunit may mumunting hanging muling iihip… At ang tinta ay matatapon sa espasyong dating kinalalagyan ng blankong papel… NAMISS KITA! (pabulong na sabi ng tinta sa blankong papel) At ang tinta’y muling lalapit… Isang malakas na hangin ang muling hahadlang sa kanilang pag uusap… Matatapon ang botelya ng tinta at hindi na muling magsasalita pa… Ang dating malinis at blankong papel at naligo sa natapong tinta…  

Daily Prompt: Patience is talent :)

Naalala ko lang nung minsang antagal umalis ng sinasakyan kong tricycle pauwi,  aabutin nako ng new year kakaantay. Kunot ang noo at di maipinta ang itsura habang nakalatag ang dalang gitara. Tsk. (pakibilisan naman Lord… pakisabi naman sa driver na alis na kami, namumuti na mata ko) Sabay tingin sa malayo (sabay hugot ng hingang malalim)   Kapag anu yung hiningi syang ibibigay! Haha (napatawa nalang ako bigla) lagi ko pala yun hinihingi sa kanya “Pasensya” (hindi yung tinapay) yung totoong pagpapasensya! J   at eto isang magandang halimbawa…   Mga karima rimarim na sitwasyon ang kelangang pag daanan at kung kelangang banatin,  eh babanatin talaga pasensya mo sa katawan! Haha.  Ang simpleng bumanat ng Panginoon!  Sa mga simpleng paraan niya pinaparating ang mensahe Niya satin,  di lang natin ma-kuha agad sa sobrang kaartehan meron ang mundo ngayon.   At sa mga ganitong Pagkakataon din hinahamon ang aking talento sa pagsusulat at paglalapat sa salita ng mg