Kamusta? (muling
naiutal ng tinta sa papel)
Napadaan lang, marahil ay nagtatampo ka ulit!
Ngayo’y ako’y muling nangungulit,
Psssst. Sagot naman please…
(ang lahat ay tahimik)
Ang tinta ay muling hahalik sa papel, ngunit may mumunting
hanging muling iihip…
At ang tinta ay matatapon sa espasyong dating kinalalagyan
ng blankong papel…
NAMISS KITA! (pabulong na sabi ng tinta sa blankong papel)
At ang tinta’y muling lalapit…
Isang malakas na hangin ang muling hahadlang sa kanilang pag
uusap…
Matatapon ang botelya ng tinta at hindi na muling
magsasalita pa…
Ang dating malinis at blankong papel at naligo sa natapong
tinta…
Comments