Naalala ko lang nung minsang antagal umalis ng sinasakyan kong tricycle pauwi, aabutin nako ng new year kakaantay. Kunot ang noo at di maipinta ang itsura habang nakalatag ang dalang gitara. Tsk. (pakibilisan naman Lord… pakisabi naman sa driver na alis na kami, namumuti na mata ko)
Sabay tingin sa malayo (sabay hugot ng hingang malalim)
Kapag anu yung hiningi syang ibibigay! Haha (napatawa nalang ako
bigla) lagi ko pala yun hinihingi sa kanya “Pasensya” (hindi yung tinapay) yung
totoong pagpapasensya! J
at eto isang magandang halimbawa…
Mga karima rimarim na sitwasyon ang kelangang
pag daanan at kung kelangang banatin,
eh babanatin talaga pasensya mo sa
katawan! Haha.
Ang simpleng bumanat ng
Panginoon!
Sa mga simpleng paraan niya pinaparating ang mensahe Niya satin,
di
lang natin ma-kuha agad sa sobrang kaartehan meron ang mundo ngayon.
At sa mga ganitong Pagkakataon din hinahamon ang aking talento sa
pagsusulat at paglalapat sa salita ng mga gumugulong na katanungan at ideya sa
aking utak. Haha.
Kaya ipagpapasalamat ko padin! Dahil “kapag nag aantay ka, mas binabago ka ng
Panginoon”
Isang apir nga jan! (oo ikaw na nagbabasa) ^_^
#Patience #Character #Endurance
"And endurance produces character, and character produces hope" -Romans 5:4
Comments