Skip to main content

Daily Prompt: God's I love you


















Kapag nasasaktan tayo, kadalasan gusto na nating bumitaw... 
Ngunit isipin mo ulit, na sa kabila nun, 
patuloy na tumitibok ang yung puso...  
Napatunayan mong muli na nakakaramdam ka padin, 
na buhay ka padin at sa kabila ng mga bakas ng sugat sa iyong puso 
ay nananatili kang lumalaban kasi alam mong 
hindi pa ito ang dulo ng iyong paglalakbay... 

Marahil ay nagrereklamo ka na sa paulit ulit na tagpong ito, 
pero may kakilala kaya ako, 
mahigit anim na libong sugat ang tinamo niya mula 
ulo hanggang dulo ng kanyang kuko, 
subalit sa sobrang tindi ng pagmamahal Niya, 
kailanman ay hindi Siya umayaw 
at tiniis Niya lahat ng yun! 

Ang pangungutya at ang walang katulad na sakit, 
hindi para patunayang malakas Siya, 
kundi isang patunay na ganun Siya katindi magmahal.

Batid kong kilala mo din Siya. 
Marahil ay nagkasalubong nadin kayo minsan, 
at nasaktan mo din Siya ng di mo nalalaman. 
Maging ako man, paulit ulit kong ibinaon ang 
matalim na bagay na iyon sa Kanyang puso, 
pero kailanman ay hindi ko yun maaaring maikumpara 
sa sakit na nararamdaman ko, o 
maging sa pinagdadaanan mo ngayun, 
marahil kapag nasa ganito ka talagang pagkakataon, 
ang maiisip mo agad, hindi patas ang mundo. 
Pero kung iisipin mo padin ang mas malalim na bahagi nito 
mas maiintindihan mo. ;)


#MuniMuni #Heartache #MovingForward 

Comments

Popular posts from this blog

Para kanino nga ba ako?

Para kanino nga ba ako? Para kanino ako nabubuhay? Madaming beses ko na iyong naitanong sa sarili ko, Pero di ko matagpuan yung sagot… Hanggang sa isang araw, Sa paghahanap ng kasagutan, Dun ko naramdaman yung rason ko, Kung bakit ako inilagay sa mundo, Bakit nga ba hindi ako sa ibang panahon at lugar ipinanganak? Magulo kung iisipin mo pa diba? Pero bawat isa sa atin ay may mahalagang papel sa mundo, Maliit man o malaki, Andyan ka, kasi ikaw lang ang makakagawa nun, Wala ng iba… Kaya buong puso kong sasabihin na: Andito ako ngayun sa lugar kung saan, Perpektong plinano ng diyos   ang bawat detalye ng buhay ko J

Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…

tarah kape tayo?  Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…     mas mabuti narin siguro yun kesa sa marijuana o sa shabu ako na- adik. Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…  sisihin nyo yung nakaimbento na pwede palang lantakan ang kape at di sa ibang bagay nagiging kapakipakinabang. Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape… tuwang – tuwa naman yung pinag bibilhan ko ng kape, mantakin mung tatlong beses o mahigit pang baso ng kape ang naiinum ko araw – araw. Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape… ♪♫♪ “nais kung mag beer house ngunit kulang ang pera, kaya’t nagkakape nalang dagdag pa sa kaba...... " ♪♫♪ yka nga ng siakol, “substitute products” – sabi ng microeconomics prof. namen, kapag mas mababa daw ang presyo ng “substitute products” kupara sa aktwal na produktong nais mung bilhin, bababa ang “demand” sa aktwal na produkto at tataas naman ang “demand” para sa “substitute products...

Pwerte naman!!!

Pwerte an lipot. Dawa biyu an pagsuksuk mu sa gilid,  alagad patus – patus ka  nin tamung, habang inuubos mu an tinimplang kape sa saimung  baso, an saimung hinangus putol – putol na nagluluwas asin an durus dae nag babago, naluluum ka sa kadikluman,kawsa kan kawaran kan ilaw, pinipirit mu man itikup an saimung malsuk, an saimung tulak man an biyung nagriribuk,nag aagrangay sa kulog. Mala kaya ta an saindung sinapna abut lang Pangudtuhan,  kaya kape na sana an Saindung pinamangihan… Kape na harus pa sana, asukar na sana an lasa. An mga bura kan talapang,nagdararalagan na kinu sa atup, yaun pa an mga lamok na mayong ibang maginibu kundi mangagat sa saimung kublit. Abu ka lamang untukan.  Mala… Namuklat ka man guiraray… Aga na palan,  dae mo na namalayan Na napaturug ka man palan dawa, Nagbuburura si mga talapang, Nagdadaralagan si mga kinu sa saindung atup, Alagad si mga lamuk na dae ka inuntukan, Na nagkawsa ...