♪♫♪ I’ll be here
patiently waiting… (kinanta mo? ^_^ pamilyar sayo?)
Eto lang naman yung isa sa kantang pinasikat ni Mr. Mraz!
Applicable! di lang sa pag – ibig kundi sa pang araw araw na buhay di ba?
Minsan naramdaman mo nadin yun noh?
yung pakiramdam na sobrang inaantay mo yung isang bagay na mangyari
tas konti nalang sana, (konting konti nalang) tas bigla kang nainip,
nag short cut ka, tas mas napatagal lalo?!!!...
(brrrrr…) –feeling annoyed! T_T mga ganung tagpo!
Ang buhay ay isang malaking laberinto, Kung saan mas nakikita Niya yung kelangan
mong daanan, kelangan lang ibigay mo yung tiwala mo sa Kanya kasi di ka naman
Niya idadaan sa lugar na di ka matututo at di ka mababago. Minsan kasi mas
marunong pa tayo sa Kanya, mas pinaniniwalaan nating mas madali yung rutang
ginagawa natin sa buhay. Malamang sa
malamang, ang lugar lang kung asan tayo ngayun at ang destinasyon na gusto nating
mapuntahan ang tanging nasa isip natin, pero… tingin ka sa taas, andun Siya oh!
Mas nakikita Niya, mas alam Niya.
Kadalasan, mabilis umiksi yung pasensya natin sa sobrang pag – aantay, kaya
minsan mas gusto nating gawin nalang sa gusto nating paraan, sa akala nating
mas mapapadali, ngunit taliwas sa inaakala nating resulta, mas humahaba, mas
nakakainip, mas nakakayamot mag – antay, pero sa oras lang na makuha mo yung
punto Niya, maiintindihan mo din kung bakit, mas mapagtanto mong, lahat ng yun
kelangan mo talagang pag daanan parang ihanda ka sa mga bagay na “akala mong handa
ka na”, nung una palang.
Minsan kung alin pa yung akala mong masa mahabang proseso, mas madali pa pala
yun kumpara sa iniisip mo. Sa pag aantay, mas nakikilala mo sarili mo, mas
nakikilala mo ang Panginoon at mas nababago yung pananaw at pagkatao. ^_^
#55of365 #PatienceIsTalent
Comments