Skip to main content

Posts

Showing posts from June, 2012

STIR - Up!

hindi madaling mAgsulat

Di madaling magsulat! Sa kabila ng magagandang salita At inspirasyong naidudulot nito Sa mga mambabasa, May mga panahong blanko ang laman ng isipan Tuyo ang emosyon At walang ganang gumalaw ang mga kamay mo Nananatiling tuud At di maipaliwanag ang nararamdaman… Sakali mang dumating yung puntong Umaapaw ang mga ideya at salita, Ay kailangang agad – agad mong mailapat sa papel O maisulat kung saan, Sa cover ng libro Type mo sa cellphone mo, O kahit sa balot ng kinakain mo, Madalas nangyayari yon! Parang kidlat lang na tatama, Tas mawawala din kapag pinalipas mo pa Kailangan mong panatilihing lasing ka sa ganung sitwasyon Para di ka magambala at dirediretso mong maipahayag ang Nais mong ipahiwatig sa iyong isinusulat, Kung hindi sabog! Mawawala lahat, Hihintayin mo ulit yung pagkakataong Tatamaan ka ng sumpong, Pero kelan? Di mo alam kung anung oras at saang lugar…
Kelan nga ba tayo huling nag-usap? Namiss tuloy kita, Sobrang busy mo kasi, Madaming nakasiksik sa utak mo, Madami ka laging inuuna, Para kang nakikipaghabulan lagi sa oras, Dinadaanan mo nalang ako na para bang hangin, Di naman ako nagtatampo, Namiss lang talaga kita, Namiss ko yung usapan natin, Kung pano ka magsumbong tuwing nasusugatan ka, Kung pano ka umiyak, Kung pano tayo tumawa ng sabay, Naalala mo pa? Kahit konting oras lang yun, masayang masaya ako,   Sana … Magkaron ka ulit ng oras para sakin, Sapat na yun, J Namiss lang talaga kita…
Pano ka nga ba makakalipad ng malaya, Kung may nakataling bigat sayong puso, Yung mga taong di mo mapatawad, At mga pangyayaring di mo mabitawan, Isang mabigat na pasanin, Ikaw ay isang bilanggo sa mga alaala At mga bagay na pwede mo namang bitawan. Ngunit patuloy mong pinapahirapan ang sarili mo, Patuloy mong sinisisi ang sarili mo, At di mo kailanman maramdaman ang halaga ng sarili mo. Siguro panahon na, para alalahanin mo naman Ang sarili mong “kahalagahan” sa mundo. :3

Bibliya

Kahit pala sa pagbili lang ng sapatos Eh may naituturo na ang buhay sayo… Mangyaring isang araw, Nakakita ako ng sapatos na gustong gusto ko, Pero sapat lang yung pera ko… Kaya di ko muna binili yung sapatos Pinalipas ko yung isang linggo. Pero andun parin yung kagustuhan kong bilhin yung sapatos na yun Lumipas ang isang buwan, Unti unting nabawasan yung kagustuhan kong Mabili yung sapatos na iyon, Hanggang sa dumating yung oras na Pwede ko nang mabili yung sapatos Kasi may sobra nakong pera para dun, Pero naisip ko bigla “kailangan ko ba talaga to? O gusto ko lang” tulad ng pagmamahal, O anumang desisyong gagawin mo sa buhay, di mo ito napapatunayan sa maikling panahon lamang, tulad ng mga nararamdaman natin, di mo kailangan magpadala sa tuksuhan, asaran o anumang bagay na mag aadya sayo para humantong ka sa ganung desisyon, kasi minsan, may mga bagay, tao o pangyayari na pinili mo pero di kailanman pinili ng pagkakatao
Kelan mo pa mas pipiliing maging masaya? Kapag wala ng pagkakataon? O kung imposible na itong mangyari? habang may pagkakataon kang tumawa At makapagpasaya ng iba, gawin mo na… Kung binigyan ka ng pagkakataon na magmahal, Subukan mo, at wag kang titigil at tutulala lang sa isang kanto Masayang mabuhay sa mundo, Di mo kailangan ng karangyaan para mapatunayan ito, Sapat na yung alam mo na may minamahal ka at may nagmamahal sayo di man kauri mo o mga special na bagay na nagpapasaya sayo, Ang mga oras na nakakasama mo ang mga magulang mo., Ang bawat araw na ipinahiram sayo, At ang hangin na nararamdaman mo, Di ba yun lang eh sapat nang ipagpasalamat sa araw araw? Mga simpleng bagay na di natin namamalayang nabuubos din, At mawawala paglaon… Mga simpleng bagay na makukuha mo ng libre Mga simpleng bagay na di mo na kailangan bilhin Mga simpleng bagay na alam   mong di   mo na kailangan hingin Kusang darating… Sana kasing bilis ng teknolohiya

porque

sabi nila maswerte daw yung mga taong lubos na minamahal. Pero sa tingin ko mas maswerte yung mga taong nagmamahal, Na sa kabila ng komplikadong sitwasyon, nagagawa nilang magmahal ng buo Nagagawa nilang magmahal ng paulit ulit at Ang magmahal ng walang katapusan sa kabila ng sakit na nararamdaman Sa kabila ng pinag daanan at sa kabila ng kawalan ng pag asang mamahalin din siya pabalik ng taong mahal niya… Masakit mang aminin pero marami satin ang ganun, Di na alintana yung sakit, basta ang alam mo masaya ka sa nararamdaman mo… yung pakiramdam na kahit paulit ulit mong kinakanta yung ♪♫ ♪♪ ♫ ♪ “Heart of mine, how will you keep from dying” pero sapat na sayong kantahin nalang yun tas bukas o makalawa, hahanap ulit ng pagkakataon na magmahal at mahalin muli. Di ba ganun naman talaga dapat Ang tunay na pagmamahal at tunay mong nararamdaman Eh di nanggagaling sa idinidikta ng isip mo Kundi, nakuha mo lang sundin yung isinisigaw ng puso