Skip to main content

porque





sabi nila maswerte daw yung mga taong lubos na minamahal.
Pero sa tingin ko mas maswerte yung mga taong nagmamahal,
Na sa kabila ng komplikadong sitwasyon,
nagagawa nilang magmahal ng buo
Nagagawa nilang magmahal ng paulit ulit at
Ang magmahal ng walang katapusan sa kabila ng sakit na nararamdaman
Sa kabila ng pinag daanan at sa kabila ng kawalan ng pag asang
mamahalin din siya pabalik ng taong mahal niya…
Masakit mang aminin pero marami satin ang ganun,
Di na alintana yung sakit,
basta ang alam mo masaya ka sa nararamdaman mo…
yung pakiramdam na kahit paulit ulit mong kinakanta yung

♪♫♪♪ “Heart of mine, how will you keep from dying”

pero sapat na sayong kantahin nalang yun tas
bukas o makalawa,
hahanap ulit ng pagkakataon na magmahal at mahalin muli.
Di ba ganun naman talaga dapat
Ang tunay na pagmamahal at tunay mong nararamdaman
Eh di nanggagaling sa idinidikta ng isip mo
Kundi, nakuha mo lang sundin yung isinisigaw ng puso mo…  

Comments