Kahit pala sa
pagbili lang ng sapatos
Eh may naituturo
na ang buhay sayo…
Mangyaring isang
araw,
Nakakita ako ng
sapatos na gustong gusto ko,
Pero sapat lang
yung pera ko…
Kaya di ko muna
binili yung sapatos
Pinalipas ko yung
isang linggo.
Pero andun parin
yung kagustuhan kong bilhin yung sapatos na yun
Lumipas ang isang
buwan,
Unti unting
nabawasan yung kagustuhan kong
Mabili yung
sapatos na iyon,
Hanggang sa
dumating yung oras na
Pwede ko nang
mabili yung sapatos
Kasi may sobra
nakong pera para dun,
Pero naisip ko
bigla
“kailangan ko ba
talaga to? O gusto ko lang”
tulad ng
pagmamahal, O
anumang desisyong
gagawin mo sa buhay,
di mo ito
napapatunayan sa maikling panahon lamang,
tulad ng mga
nararamdaman natin,
di mo kailangan magpadala
sa tuksuhan,
asaran o anumang
bagay na mag aadya sayo
para humantong ka
sa ganung desisyon,
kasi minsan, may
mga bagay, tao o pangyayari
na pinili mo pero
di kailanman pinili ng pagkakataon sayo…
mawawala at
lilipas nalang,
masasaktan at luluha…
Isang araw sa
aking paglalakad, may nakita akong libro,
Parehas na
pakiramdam na naramdaman ko sa sapatos na yun,
Pero lumipas yung
isang buwan,
Patuloy ko lang na
binabasa sa tuwing
Nadadaanan ko ito
dun sa tindahan,
Isang taon yung
nakalipas
Sa aking kaarawan:
Isa ito sa mga napakagandang regalong natanggap ko. ^^,
Comments