Kelan nga ba tayo huling nag-usap?
Namiss tuloy kita,
Sobrang busy mo kasi,
Madaming nakasiksik sa utak mo,
Madami ka laging inuuna,
Dinadaanan mo nalang ako na para bang hangin,
Di naman ako nagtatampo,
Namiss lang talaga kita,
Namiss ko yung usapan natin,
Kung pano ka magsumbong tuwing nasusugatan ka,
Kung pano ka umiyak,
Kung pano tayo tumawa ng sabay,
Naalala mo pa?
Kahit konting oras lang yun, masayang masaya ako,
Magkaron ka ulit ng oras para sakin,
Sapat na yun, J
Namiss lang talaga kita…
Comments