Di madaling magsulat!
Sa kabila ng magagandang salita
At inspirasyong naidudulot nito
Sa mga mambabasa,
May mga panahong blanko ang laman ng isipan
Tuyo ang emosyon
At walang ganang gumalaw ang mga kamay mo
Nananatiling tuud
At di maipaliwanag ang nararamdaman…
Sakali mang dumating yung puntong
Umaapaw ang mga ideya at salita,
Ay kailangang agad – agad mong mailapat sa papel
O maisulat kung saan,
Sa cover ng libro
Type mo sa cellphone mo,
O kahit sa balot ng kinakain mo,
Madalas nangyayari yon!
Parang kidlat lang na tatama,
Tas mawawala din kapag pinalipas mo pa
Kailangan mong panatilihing lasing ka sa ganung sitwasyon
Para di ka magambala at dirediretso mong maipahayag ang
Nais mong ipahiwatig sa iyong isinusulat,
Kung hindi sabog!
Mawawala lahat,
Hihintayin mo ulit yung pagkakataong
Tatamaan ka ng sumpong,
Pero kelan?
Di mo alam kung anung oras at saang lugar…
Comments