Nangingibabaw yung pait at tabang,
Tulad ng ating mga maling paniniwala sa mundo,
Pagkayamot at pagkabagot,
Walang lasa,
Walang gana,
Walang aksyon,
Pilit nating iniinom ang mapait at walang lasang kape,
Yung tamis na hinahanap mo’y
Nagsisilbing latak sa sisidlang hawak mo,
Subukan mo kayang haluin,
Subukan mong namnamin ang lasa nito,
Ang pinagsamang tamis at pait ng kape,
Ay sumisimbolo lamang sa kasiyahan,
At kalungkutang nararanasan natin,
Pero kung patuloy tayong lalaban at
Hahayaan nating haluin tayo ng tadhana,
Do mo kailangan pang masanay
Sa matabang at walang lasang buhay…
Comments