Skip to main content

Dalawang bangkang papel




Dalawang bangkang papel
Na minsa’y nagpaligsahan,
Ang unang makarating sa dulo ng ilog,
ay syang hihiranging magaling…

Ngunit sa kaalaman ng isang bangka,
Maaaring ikasira ng kanilang mumunting katawan,
Ang pagkahulog sa dulo ng ilog…
Kaya sa takot, pinili niyang isalba ang sarili
At labanan ang agos…

Samantalang ang isang bangka
Ay masayang sumabay sa alon,
Makailang beses na tumaob sa lakas ng hampas,
Pero patuloy na nagpaagos hanggang sa dulo…

Isang malakas na pagkahulog sa talon…

Sa pag – aalala’y sinilip ng isang bangka kung anung kinahinatnan
Ng kanyang kasama, malaking gulat at pagkainggit ang kanyang naramdaman…

Masayang masaya ang mumunting bangkang nakikipaglaro sa iba pang
Bangkang papel… ^_^


Tulad ng tao, madalas natatakot tayong tumaya para bukas,
kasi nga naman walang kasiguraduhan, pero hahayaan mo bang nakawin ng takot ang pagkakataon na maging masaya ka?

Minsan din sa buhay natin, hindi yung patutunguhan yung nakakapagpapasaya satin, kundi yung mumunting kasiyahang naidulot dahil hinayaan nating puso natin yung magpasya. c(^_^)p 

Comments

ICE said…
Naalala ko tuloy si preaching kahapon sa conference kang church mi.
If it's your turn, it's your turn. It can make you feel terrified but you just have to do it. -Pastor Carlo Panlilio-

great work apple, magayon siya. inspirational. hahaha. makagibo man daw arog kaini.
Unknown said…
^_^ gora lang! :P the people we inspire the merrier... continue to share Christ kapatid ^_^
Unknown said…
*the more people we inspire the merrier (haha. kinulang ako)

Popular posts from this blog

Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…

tarah kape tayo?  Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…     mas mabuti narin siguro yun kesa sa marijuana o sa shabu ako na- adik. Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape…  sisihin nyo yung nakaimbento na pwede palang lantakan ang kape at di sa ibang bagay nagiging kapakipakinabang. Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape… tuwang – tuwa naman yung pinag bibilhan ko ng kape, mantakin mung tatlong beses o mahigit pang baso ng kape ang naiinum ko araw – araw. Di ko kasalanan kung bakit adik ako ngayon sa kape… ♪♫♪ “nais kung mag beer house ngunit kulang ang pera, kaya’t nagkakape nalang dagdag pa sa kaba...... " ♪♫♪ yka nga ng siakol, “substitute products” – sabi ng microeconomics prof. namen, kapag mas mababa daw ang presyo ng “substitute products” kupara sa aktwal na produktong nais mung bilhin, bababa ang “demand” sa aktwal na produkto at tataas naman ang “demand” para sa “substitute products...

Daily prompt: Antukin

God reveals His love for us in incredible ways. Sometimes, through the songs we hear. As I was watching ICON concert last night, God just so happened to speak through this line: “…Mahalin mo nalang ako ng sobra – sobra, para patas naman tayo diba?” I was excited to have a meaningful conversation with God  since it’s the revelation of His promise, of His love for us. I was excited for His message. (This Holy Week) And that song sums it up! MIND = BLOWN, HEART = BLOWN Jesus reveals His love for us; it’s our turn… Worry not, there’s a sweet line from God  reminding us that all things will be done according to His will. “ Merong langit na nagtatanggol sa Pag ibig na pursigido't matyaga”   Isn’t it amazing? #HolyWeekEncounter #TYL #LoveMORE

heads or tails?

kasabay ng pagtapon mo sa iyong kapalaran, umaasa kang aayon sa iyong kagustuhan... ngunit anu man yung magiging resulta,   paniguradong puso mo padin ang huhusga..