Eksena sa Daan:
Pangunahing tauhan: Babae at Lalaki,magkasabay sa paghakbang ng paa,
walang imik at tila ba naghahabol ng hininga. (babae) medyo katamtaman ang
taas, mahaba ang buhok, may dalang libro at di maipaliwanag ang mukha. (lalaki)
mas mataas sa babae, katamtaman ang laki ng katawan at may bitbit na gitara.
Iba pang detalye: papalubog na ang araw at
tila ba, naiiyak na ang kalangitan.
Lokasyon: mataong lugar, lahat ay
walang pakialam sa isa’t – isa.
Pandagdag: may isang batang haharang
sa babae at lalaki, magbebenta ng paninda niya sa bilao. (hindi ito papansinin
ng dalawa, patuloy sa paglalakad at tila ba’y may sasabog na emosyon pagkalipas
ng ilang minuto)
Action: “ANUH BA?!!!!!”
(at
eto na nga ang inaabangang eksena ng mga tsismosa)
(uulitin
ng babae ang pagsigaw at uunahan sa paglakad ang lalaki)
(maghahabol
din ang batang may bilao)
(at
ang kalangitan ay nag ngingitngit nang maibuhos ang damdamin)
Kulog
sabay buhos ng malakas na ulan…
Lumuhod
yung lalaki…
(tinginan
ang mga taong dating walang pakialam)
(sisingit
ang batang may bilao)
“Sige
napo! Sampung piso lang ang balot”
Ibinuhol
ng lalaki ang sintas ng babae at niyakap ito…
(patuloy
parin ang pagbuhos ng ulan)
(buntong
hininga ang lahat ng mga audience)
“akala ko pa naman
magpo-propose na”
narinig
kong sabi nung tindera ng DVD.
Comments