Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2012

Kaleidoscope World

---> pindutin upang mag- Balik Tanaw Tunay ngang naging napakakulay ang taong ito (^_^) madaming makabuluhang bagay ( isali na ang mga walang kwenta - magkaganun man ay naging parte padin sila ng nagdaang taon) Napuno ng saya at aral. Pagdiskubre ng mga bagay na (magagawa ko pala) at ng mga bagay na kelangang tanggapin kong hanggang dun na lang. Isang makabuluhang taon na nagpatatag sa aking pagkatao, sa kabilang ng di maipaliwanag na pagbangon sa kabila ng pinaghalong tamis at pait na karanasan. Mga taong naging parte ng ating paglalakbay... may mga nagpaiwan at may mga sumabay... at may iba na mang mas piniling lumiko ng daan... magkaganun man.. may kaunting pag -asa pa sa puso mong naiwan. Ang mag krus ang inyong daan, kahit sa pinakamalabo mang paraan. Ang pagbubuklod - buklod sa kabila ng isanlibong pagkakaiba... Ang Milyon- milyong tawang pinagsaluhan Ang milya-milyang daan (matuwid o baku-bako man) Ang di paawat na Unos (pisikal o emosyonal o spiri

Ipagpapatuloy ko

Minsa’y sumagi narin siguro sa iyong isipan? Na “kung pwede lang diktahan ang tadhana” Ang sarap iliko ng iyong daraanan, yung tipong magsasalubong kayo ng taong makakasama mo hanggang sa dulo ng paglalakbay mo dito sa mundo, yung tipong ikaw ang may kontrol sa bawat pindutan at liko – likong   daan… pero hindi eh! Ang mundong ito ay isang napakalaking “Maze” Once na pumasok ka sa isang pintuan, Kailangan mong tapusin ang laro, Di mo masisiguro ang labasan, Maaaring makulong ka sa isang lagusan, At maaaring mapunta ka sa tamang daan, Walang ibang nagdidikta kundi ang iyong “puso” Kung liliko o hihinto… Patuloy sa paglalakbay At walang kasiguruhan ang iyong bawat hakbang… Hangga’t sa pinanghahawakan mo ang pag – asang Mararating mo ang dulo…   At sana kung pwede lang… Ililigaw ko ang tadhana… Ng di na kailanman muling magkita… At ng di na muling masaktan pa…   Iguguhit ang bahaghari sa langit,   Ng makalimutan ang hatid n

Eyeliner.... Pipikit Ako

♪ ♫ ♪ ♫ " Pipikit ako, pipikit at magpapatihulog.  Tutuksuhin ng hangin ang tastas ng aking  paldang lumalagpas sa gilid ng bato.  Nais kong lumangoy sa kawalan,  lumangoy sa kawalan.  Pipikit ako't sisisid sa karagatan ng mga bisig mo.  Pipikit ako't sisisid sa karagatan, sa nalalabing karapatan ko.  Nakabukas man o sarado ...  Pagkatapos, sasabak ang aking katawan sa kawalan.  Bahala na kung ano ang makita pagbukas ng aking mga mata.  Mga matang nakapikit, nagpupumilit sumilip.  Ooooh pipikit ako't sisisid ... pipikit, sisisid ooooh."   ♪ ♫ ♪ ~Natuwa talaga ako’t namangha nung minsa’y may nadaanan akong isang blog. Nabasa ko yung title ng Song “Eyeliner/pipikit ako”…   (parang pang indie film – ganitong ganito din kasi yung mga karaniwang title nila, mga di pangkaraniwan) – ginamit sa isang short Indie film na pinamagatang   “ Pirouette ”        ~At sa dinami dami ng pwedeng kumanta, Sya pa… yeah!!! SYA – pertaining to Armi Millare

Life goes full circle

    Habang inuubos ang ilang minutong pagmamasid sa paghampas ng karagatan, May tamis na hatid ang paulit – ulit na paghalik ng tubig sa Dalampasigan, makailang ulit man itong hilahin ng kabuuhan… Nakakatuwang isipin na sa kabila ng bilibid na mundong iniwan mo, Matatagpuan mo ang sarili mong tumatawa, At panandaliang bibitawan ang kung anumang balakid Sa iyong mumunting kasiyahan, Ilang minuto mong itatapon ang dating ikaw, Sa pagtitiwalang, makukuha mo pabalik ng buo. At ang tanging nagdidikta ay ang mga hampas ng alon, Ang milyon-milyong buhangin at ang milya milyang lalim ng karagatan… #Explore #MoreFunInParacale #PulangDaga  12-08-2012

Damdaming Hiram

Kung sakit mang maituturing ang pagsusulat, malamang… WALA NA TONG LUNAS… at panghabambuhay ko nang dadalhin to! pumulupot man ang iyong dila, sa pagsunod sa mga linyang aking ginawa… ang bilibid na emosyong di papigil… at ang mga salitang patuloy na gumigiling,   kasalanan bang maituturing? Ang itago ang kalungkutan sa aking mga ngiti? Tamis at pait ay naghahalo na naman… Ni di makuha ang timplang inaasam, Isang kampay ng kape naman oh… Pampagising lang ng araw ko!   Matagal na namang naipon to, At kailangan nang pakawalan, Mula sa tuldok ay mabubuo ang mga salitang maglalarawan… Sa mga makakabasa at makikiramdam. Sapat nang iwan ko muna ang damdaming hiram… Pasensya na’t nalilito lang…  #Kape at ang bilibid na emosyon